Chapter 32

5.4K 119 9
                                    


Success

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

She wipe my cheeks as my tears began to fall. Napapikit ako sa iginawad niya, dinaramdam ang haplos ng isang tunay na ina.

For once, I felt the love and care that I'm longing for. Humagulgol ang aking ina habang patuloy na humihingi ng tawad.

"I'm sorry.. I'm sorry!"

I nodded. It's okay, mom. Matagal na kitang pinatawad.

Lumapit si Justin sa amin nang humiwalay na kami sa yakapan. Nag-aalala ang mga mata niya ngunit hindi siya nagtanong o nagsalita. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ako.

"Let's go home.." bulong niya.

Kumunot ang noo ko. "We just can't leave without my mom, Justin.."

Natigilan siya at tumitig sa akin. I accepted the fact already. Sa mga galaw pa lang ni Mommy–or should I call Tita Amelia, ay nagpapakita na ng pagkadisgusto sa akin.

Kaya pala parang pamilyar ang pakiramdam nang nakita ko siya sa field trip bilang isang Miss President ng St. Claire Xavier. Those eyes and those questions..

Huminga ng malalim si Justin at bumaling kay mommy.

"Ma'am, is it okay na ihatid ko na pauwi si Amethyst? She looks tired already.." paalam niya kay Mommy.

Nakagat ko ang labi ko. Oh. Saan ka nakakakuha ng lakas ng loob mo, Anderson?

Tiningnan ko si Justin na seryosong naghihintay ng sagot kay Mommy.

My mom nodded and smiled. "S-Sure. Just take care of her, Anderson." Aniya at muli akong binalingan.

Ngumiti ako. Niyakap ko ang ina at hinalikan sa pisngi. "Call me when you're home already, Amy.." bilin niya bago kami hinatid papalabas ng restaurant.

Yes, after the talk in comfort room, inaya ako ni Mommy na pumunta muna sa isang restaurant upang kumain at ipaliwanag ang lahat. Nandoon lang din si Justin sa tabi ko, hindi nakikisali sa usapan.

"S-Saan ka po pag-alis namin? Uuwi na din?" Tanong ng mapagtantong maiiwan dito si Mommy.

She shaked her head. "Babalik ako sa university. The party is still going on. I need to be there hanggang matapos, I am the President. Remember?"

Oo nga pala. Farewell party ngayon. Mabuti na lang at tapos na ang performance ko.

"Okay po.. Bye!" Kumaway ako sakanya nang nauna na kaming umalis sa restau.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Justin. Seryoso ang kanyang mata nang umikot papunta sa driver seat. Mabilis niyang pinaandar iyon.

Malalim ang buntong hininga niya at bumaling sa akin. "Anong nararamdaman mo? Okay ka lang?"

I smiled. "I'm okay now.."

"What are your plans? Sasabihin mo ba ito sa Mommy Amelia at Daddy mo?" Tanong niya.

Sasabihin ko ba? O itatago ko muna?

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon