Chapter 6

11.6K 240 50
                                    


69

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

Kahit anong kumbinsi ko sa aking sarili ay hindi ko pa rin mapigilan ang pagkataranta. I feel so uneasy.

Nanginginig ang aking tuhod na umupo sa upuan. Kung kanina ay labis ang aking kaba dahil akala ko ay late ako sa isang terror teacher ay pakiramdam ko ay dumoble pa ang kabang nararamdaman ko.


Bukod sa ex ko ang professor ko sa major subject na 'to ay kinakabahan ako dahil baka mamaya ay tawagin niya ako at magpasagot sa akin ng math equation. Damn! He knows that I'm not good when it comes to Mathematics.


"Uy okay ka lang ba?" Napansin yata ni Ariane ang pagiging kabado ko.


Damn, I want to tell her that I'm not and I am so nervous because our professor is my ex and this subject is not my favorite and I hate it! Pero paano? Hindi ko masabi. Umuurong ang dila ko.


Tumango ako. "Y-Yeah. I'm okay." Ngumiti ako ng pilit. Sana lang ay hindi niya nahalata iyon.


"Sure ka? You look pale. Dahil ba 'to sa detention?" Hindi ako umimik. No. Of course not! Hindi ako kinakabahan sa detention na yun. "Your mom will get mad if she finds out this thing. Dapat kasi ay hindi mo na lang pinatulan si Miss Karissa."


Kumunot ang noo ko. "Sino ba kasing nagsabi sayo na kinakabahan ako sa pagka-detention ko? I don't care about that. Kinakabahan ako dahil rito sa subject na'to! Oh my God, Ariane." Umirap ako.


Tumawa naman si Kian at binatukan ito. "Ikaw kasi masyado kang seryoso e!" Asar ni Kian kay Ariane.


"Aba! Gaya mo naman ako sayo! Baklang maton!" Bawi naman ni Ariane.


"H-Hoy! Bawiin mo nga 'yang sinabi mo!" Naiinis na sabi ni Kian.


"Ayoko! Ikaw ang nagsimula nito eh." Nag-asaran pa silang dalawa. Natawa nalang ako sakanila. At least, naibsan ang kabang nararamdaman ko.


Agaran ko silang pinahinto ng namataan ko na si Sir Dwight na papasok sa classroom niya. Hmm, bakit kaya late 'to?

Ayoko na ngang isipin! Last time na inalam ko ang pagiging late niya, nagkanda bulyaso na ang buhay ko!


"Good morning, everyone!" bati niya at agad tumingin sa akin.


Bumati naman kami pabalik pero hindi ako nakatingin sa kanga. Ramdam ko pa rin ang kanyang titig kaya 'di ako tumitingin sa harap. Seriously, ano bang problema ng isang 'to at ganyan makatingin? Sana lang ay hindi siya mahalata ng mga kaklase ko.


"Okay, sit down. Today, we are going to study-" tumalikod na ito agad at nagsulat na sa white board. Hindi ko na siya pinakinggan dahil alam ko namang walang papasok sa kokote ko pag dating sa mathematics.


Nagkunwari akong nakikinig sa klase niya kahit ang totoo ay palihim akong kumakain ng cookies. Inalok 'to sa akin kanina ng matanda habang papason ako sa gate.

Humikab ako dahil sa antok, haaaay! Kaya ayaw ko talaga ng Math eh. Inaantok ako ng sobra.

Nang humarap siya sa akin habang nagpapaliwanag ng kung ano ay agad kong inayos ang upo ko para hindi ako mahalata. Pero sa kamalas-malasan nga naman ay natabig ko ang lalagyanan ng cookies ko kaya kumalat iyon sa sahig at nagdala ng ingay.


"Tangina." mahinang bulong ko.


Ramdam ko na ang lahat ng paningin nila sa aking direksyon. Damn it! Bakit sunod-sunod yata ang kamalasan ko ngayong araw? >.<


My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Where stories live. Discover now