Chapter 10

10.1K 229 26
                                    

Precious' Birthday

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

Matapos ang scene roon sa shop na pinagbilhan ko ng dress kanina ay dumiretso na ako dito sa Aristocrat para kumain ng lunch.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagkita na nga talaga ulit kami ni Scarlet. After 3 years, muli kaming nagkita. I used to be her bestfriend before, sadly hindi na niya ako kinakausap simula noong nagkaroon siya ng mga sariling kaibigan. Mas lalo lang yata kaming hindi nagkaayos ng sumikat ako sa university dati dahil sa pagkanta.

I still remember how I was envious before to Harry Potter for being able to talk to snakes, but I found out I've been doing it for the last 3 years.

"Here's your bill, Ma'am." inabot sa akin ng waiter ang isang maliit na tray na may nakalagay na resibo.

"Thank you." sambit ko.

Umalis na ito kaagad, tiningnan ko ang bill ko at matapos ay kumuha ako ng pera sa wallet. Isiniksik ko sa maliit na tray ang pera nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Inilabas ko mula sa shoulder bag ang cellphone ko at nakitang si Precious ang tumatawag. Kaibigan ko siya noon at palaging kasama noong hindi pa ako umaalis ng bansa.

"Hello?" Sabi ko nang sinagot ko ang kanyang tawag.

"Are you busy?" Nahihimigan ko ang pagdadalawang isip niya sa kanyang boses.

"Uh, not really. Why? miss me?" humalakhak ako.

"Ay nako! oo! nyeta ka 'di ka na nagpaparamdam ah!" Tunog nagtatampo na saad nito.

"Sorry na agad. Alam mo naman kung bakit diba?" seryosong sabi ko.

Sa lahat ng magbabarkada saamin, si Precious ang pinaka-close ko. Siya rin ang una kong sinabihan ng nalaman kong may sakit akong Leukemia dati. She told me na sabihin ko 'to sa lahat ng barkada, especially Justin. 

But I insist. Natatakot ako. natatakot akong malaman niya na kapag may sakit ako ay iwan niya ako. Kaya nagdesisyon akong itago yun. I decided na sabihin sakanya ang lagay ko sa anniversary namin pero kinabukasan bago ang anniversary namin ay may hindi nangyaring maganda.

If I am not mistaken, it was an afternoon in December when I decided to break up with him. Because the reason why I broke up with him was he cheated. Naisip ko, hindi pa nga niya nalalaman na may sakit ako, nagloko na siya. Paano pa kaya kapag nalaman niya na diba? Paniguradong iiwan niya ko.

I still remember the night when he tried to call me through phone, he also texted me. Pero hindi ko sinasagot. I also remember the exact time nang pumunta siya sa bahay, pagkatapos akong ilabas sa hospital.  Hindi ko siya nilabas man lang, nagpapasalamat ako dahil wala doon sila daddy, tanging mga pinsan ko lang ang naroon.

"Hello? Jack? Nandyan ka pa ba?" nabalik ako sa ulirat ko ng mahagyang nilakasan ni Precious ang boses niya.

Napapikit ako sa tining ng boses nito.

"O-Oo. Nandito pa ako. Hindi ako mawawala." napa-kagat labi ako sa nasabi ko.

"I know. Hindi ka talaga pwedeng mawala mamayang gabi!" tumili ito dahilan para mailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko.

Damn this girl.

"What do you mean?"

Tumayo na ako at lumabas na sa Aristocrat. Maglalakad-lakad muna ako saglit bago tuluyang umuwi para matunaw ang mga nakain ko kanina.

"Duh, today is my birthday! Hindi mo na ba naaalala? Nakakatampo na ha."  napahinto ako sa paglalakad ng sabihin niya iyon.

Shit! Anong date na ba ngayon? Tiningnan ko saglit ang cellphone ko at nang makitang 28 ay para na akong binuhusan ng malamig na tubig. Pataaaay huhu.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon