Chapter 1

18.9K 377 35
                                    

The Heroine

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

"Aaaaa!" Agad akong bumangon sa kama ko at mabilis na uminom ng tubig. Here I am again. Napanaginipan ko na naman siya.

Girl, ano na? Wala na bang bago for today's video? Palagi na lang bang napapanaginipan 'yon? Ilang years na simula noong mangyari 'yon kaya dapat hindi na inaalala pa ang mga kaganapan noon.

Dapat ko na siyang kalimutan. Tapos na kami ngunit ito pa rin ako, nakaupo sa kama, tulala at patuloy pa rin siyang naiisip at napapanaginipan.

"No.. You should forget him, Jack. It's over. Let your memories about him fade away. Chin up!" I whispered.

Sinabunutan ko ang sarili ko bago tumayo at inayos ang kama kong nagulo dahil sa bigla kong pagsigaw. Tiningnan ko ang wall clock namin at laking gulat na malapit na'kong malate! Oh no! not again! My mom will probably kill me!

Natataranta kong inayos ang kama ko saka tumakbo papuntang banyo upang makaligo. Damn it.

Grabe, minsan hindi ko maiwasang isipin na baka parte na talaga ng pagkatao ko ang ma-late.

Matapos ang isang oras na pag-aayos sa sarili ay tumulak na ako papasok ng school.

"Jack!" tawag sakin ni Ariane habang kumakaway, ngumiti lang ako sa kanya at pumunta kung saan siya naroroon.

"Bes, sorry late ako." paumanhin ko. Agad naman akong binatukan ng lukaret.

"Gaga! Kailan ka pa 'di na late?!"

(-_-)>

Psh. Oo na! lagi na akong late!

"Look, tapos na ang morning praise, oh! Tara muna sa cafeteria. Wala naman yung prof natin ngayon eh."

I sighed heavily when I realized na wala nga pala kaming professor sa isang subject at isang subject lang ang papasukan namin mamaya. That's what I know. And about the morning praise thing, para siyang flag ceremony kung maituturing. Ginawa lang mas banal yung tawag.

Nag agree na lang ako sa kanya at naglakad kami papuntang cafeteria. Nagugutom rin ako dahil sa pagmamadali. Hindi ko na talaga ata maiiwasan ang pagiging late.

"Bes, balita ko may new prof tayo sa Calculus, ah!"

"Weh? sumuko na yung Professor natin don?" Natatawa kong sambit.

"Oo nga! Sinabi sa'kin ni Kian kanina. Anyway, mukhang wala atang nagtatagal na professor sa Mathematics." Saad ni Ariane. "BUT this time, paniguradong magtatagal na'to." Dagdag nito.

Kumunot naman ang noo ko. "Paano mo nasabi?"

Ariane smirked. "Hot lang naman ang bago nating Professor. Kilala mo yung bidang lalaki sa palabas na Fifty Shades of Grey? 365 days? Holy! Ganun na ganun!"

"Huh? Ano yung Fifty Shades of Grey, bes?" Painosente kong tanong.

Ngumiwi naman si Ariane sa akin at mabilis na naman akong binatukan.

"Aray naman! Nakakadalawa ka na ah!" Ang hirap talagang magkaroon ng mapanakit na kaibigan.

"Yeah right. Pa-inosente ka kasing gaga ka! Kala mo naman 'di natin sabay pinanood yon." Pinanlakihan ako ng mata ni Ariane. "May pabili bili ka pa ng posas para sa future someone na sinasabi mo, shooooo!"

Agad ko siyang kinurot. "Hmm, gwapo ba?" Tanong ko, iniignora ang kanyang sinabi.

"Final na 'yan?" She mocked me.

"I'm serious." nakaface palm kong sagot. Tumango-tango naman ito. "Oo, nga. Guwapo at hot nga kasi." Ani Ariane.

Umirap ako. "Pustahan tayo. Heart breaker ya–" natigil ako sa pagsasalita nang biglang sumulpot si Kian sa tabi namin. Muntik na akong mapasigaw sa gulat sa kanya.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon