Chapter 22

7.1K 153 11
                                    


Girlfriend

AMETHYST JACK SEO POINT OF VIEW

Seryosong nagturo agad si Professor Karissa matapos kong umupo. Medyo high blood yata, I don't know why. Tapos parang nadagdagan ko pa ang pagkabadtrip niya dahil sa nahuli ako ng kaunti sa klase niya.

She keep talking and talking about someone who's late in her class. Well, I am not dumb to think na hindi ako ang pinariringgan niya.

"Pass your outputs. Hay nako! Kanina pa dapat 'to. May mga taong late kasi.." umirap siya at nagpamewang sa harap.

Tumaas ang kilay ko. Sana ay pinagalitan niya lang ako sa harap kesa nagtatalak siya dyan.

Tumayo ako nang matapos ko ang output ko. Sumunod si Ariane saakin, bumubulong at naiinis din sa ginagawa ni Miss Karissa.

Nakahalukipkip si Prof. Karissa nang ibinigay ko ang output ko. Nagtaas siya ng kilay at tumikhim.

"Ito lang ang naisulat mo sa dami ng itinuro ko, Miss Seo?" Mariin niyang sambit.

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napakurap kurap ako at hindi agad nakapagsalita.

What the fuck? Anong problema nito? Oo at kalahati lang ng isang long bond paper ang naisulat ko pero malaman iyon! Dahil alam kong tatamarin ang magbabasa kapag nakita niyang madami iyon.

Tumikhim ako at akmang magsasalita nang umiling siya at itinaas ang palad.

"Whatever. You can go now to have your lunch," naiiling niyang sambit at bumaling na sa likod ko.

Napapikit ako sa inis! Wala siyang karapatang sabihin iyon nang hindi pa nababasa ang mga naisulat ko.

Padabog kong kinuha ang bag ko at nagmamadaling umalis ng room. Badtrip. Imbes na maganda ang araw ko ay sinira ng Karissa na iyon.

Dumiretso ako sa cafeteria, nararamdaman kong sumusunod sa akin si Ariane pero dire-diretso lang ako. Agad kong natanaw si Kian na nasa usual spot namin doon. Kumaway ito saakin nang namataan niya ako.

I sighed. Naglakad ako palapit at umupo nang makarating. Padabog ang paglapag ko ng gamit. Agad nagtanong si Kian na hindi ko sinagot. I'm not in the mood to talk about her.

"Tsk. Nagseselos lang iyon sa'yo. She likes our Prof, right?" Baling ni Kian.

Natulala ako. Oo nga pala. Hindi man niya sinabi sa amin, halata naman sa mga kilos niya. Pero bakit siya magseselos sa akin? Hindi naman kami nagpapahalata ni Justin and walang nakakaalam ng relasyon namin bukod kila Ariane at Kian.

"Nagseselos? Stupid reasons. Wala siyang alam sa amin ni Justin," humina ang boses ko nang banggitin ang pangalan niya.

Umiling si Ariane. "Naaalala mo kahapon? Yung pumunta ka sa office ni sir at naabutan mo siya don? She asked kung bakit nandoon ka at ang maaaring dahilan ni Miss ay iyon. Iba ang sagot ni Sir non, pero baka iniisip niya ngayon na may interes sayo si Sir. Kahit meron naman talaga," paliwanag ni Ariane.

I nodded slowly. May point nga siya. Bahala na! Basta ako ay walang ginagawa sa kanya.

Sa oras na iyon ay inubos namin ang vacant sa pagkain at pagkukwentuhan. Hanggang sa mag ring ang bell hudyat na magsisimula na ang susunod na klase.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ