Chapter 35

6.1K 109 1
                                    



Break

JUSTIN DWIGHT ANDERSON POINT OF VIEW

"For now, iyon lang muna ang mga bilin para sa nalalapit ninyong graduation." Paalala ko sa lahat ng mga students sa quadrangle.

May ilang mga nagtalunan at nagsaya dahil uuwi na. May ilan din namang nagkayayaan ng gala at nalagdesisyunang wala munang uuwi.

"Dwight, ano? Bar later?" Bungad sa akin ni Julius.

Kumunot ang noo ko at umiling. "Pass muna ko." Sambit ko bago dinukot sa bulsa ang cellphone.

Still, wala pa ding mensahe na galing kay Amethyst. Ano na kayang nangyari sakanya? And bakit wala siya sa praktis?

For the 25 times, I called her again. Gaya kanina, cannot be reach pa din. I'm starting to get worried.

"Langya naman, Dwight! Puro pass na lang palagi? Ganyan ka ba ka-busy sa girlfriend mo?" Kunwaring nagtatampong sambit ni Julius.

I smirked. "Oo. Kaya wala na akong time para sa iba." Sagot ko tsaka inayos na lang ang mga galit upang maghanda na sa pag-uwi.

Napamura na lang si Julius sa akin at nagpaalam para pumunta sa napagkasunduang bar.

Kumusta na kaya si Amethyst? Tulog kaya yun? Wala kasing text kahit isa. Maybe I should text our friends too?

Aish. Bakit ba ganito na lang ako kung kabahan. Wala naman sigurong mangyayaring masama hindi ba?

I texted Precious, Kian, and Ariane. Pero pare-parehas lang din ang mga sagot na natanggap ko sa kanila.

Pinilig ko ang ulo ko bago pinatunog ang kotse at tuluyang pumasok sa loob. Maybe I should direct to her mom?

Bahala na. Masiguro ko lang na okay si Amethyst.

Ako:

Good evening, Miss President. This is Mr. Justin Dwight Anderson. Sorry to disturb you but I wanna ask if Amethyst is alright? She's not replying to my texts and calls which is unusual. I'm waiting for your reply, thank you.

After kong i-send ang mensahe ay mabilis na akong nagpatakbo sa sasakyan. I'm sorry, baby. Kailangan ko lang makauwi ng mabilis ngayon para makahanap ng impormasyon kung anong nangyari sayo ngayon.

Nadatnan kong sinasara ng mayordoma ang gate ng bahay nila Amethyst. Pinark ko ang kotse sa harap ng gate nila at nakitang natigilan ang matanda.

"Good evening, po! Is Amethyst there?" Tanong ko sabay silip sa likod niya. Baka sakaling lumabas si Amethyst.

Nag-iwas ito ng tingin at inayos muli ang lock ng gate. "Ah! Si Senyorita ba? U-Umalis sila e. Kakaalis lang nila kasama si Madame Jade." Sagot niya.

Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Thanks, God. Kasama naman pala niya ang mommy at daddy niya. I'm nothing to worry about.

"Ganun po ba. Sige po, Salamat Manang! Pakisabi pag nakabalik ay dumaan ako rito at nagtanong." Ngiti ko sabay ng pagsara ng bintana.

"Baka matagalan pa silang bumalik." Dinig kong pahabol ng matanda ngunit hindi ko maintindihan ng klaro dahil naisara ko na ang bintana.

Whatever is that, I'm sure it's just a take care sayings.

Pinark ko ang kotse sa garahe bago nagmamadaling tumungo sa kuwarto apra makapagbihis na. Maybe I should call my basketball friends to play.

My Ex, My Professor. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon