Chapter 16

11.8K 357 70
                                    

"Anong sinabi mo?" Jasmine said indignantly. Nanginginig ito sa sobrang galit habang umiiyak. Daniel's heart was breaking seeing her like this, pero kailangan nyang maging matatag. Kailangan nyang gawin ito. Kailangan maging sa kanya si Kathryn. Kahit anong mangyari.

"Let's call off the wedding." Pormal na sabi ni Daniel.

Naroroon sila sa bahay ng dalaga para mag-usap. Sinundan nya ito nang mag-walk out ito kanina.

Lalong napaiyak si Jasmine. "You can't do this to me, Daniel. Hindi pwede. Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan natin. You can't leave me for that bitch!"

"Don't call her that."

"So ngayon gusto mo na sya dahil sya pala ay isang sikat na writer? That does not change a thing. Isa pa rin syang bitch and whore!"

"Sinabi ko ng don't call her that!"

"You're just confused. Hindi mo sya mahal. Ayaw mo talagang gawin ito. Nabubulag ka lang. How could you even think na iwan ako? Gumising ka, Daniel! This is a stupid thing to do."

"Sigurado ako sa gusto ko."

"Don't tell me you love her. Please."

"I love her. I really do."

He saw how her eyes turned mad. Mad as in insane. "Hindi! Hindi mo ko iiwan! You're not going after that bitch! Hindi sya pwedeng maging masaya! Sisiguraduhin koi yon! Pwede kang magmahal at magpakasal sa ibang babae, wag lang si Kathryn! Matutuloy ang kasal natin kahit anong mangyari. Hindi ko makakaya ang kahihiyan. Lalo na ang pamilya ko. Magpapakasal tayo." Iniwanan sya ng dalaga pagkatapos ng mga salitang iyon.

Napahugot sya ng malalim na hininga. Alam nyang hindi iyon magiging madali. Alam nyang pagbayaraan iyon sooner or later. Pero it would be worth it kung mapapasakanya uli si Kathryn. Kailangan nyang maging strong and focused. Hindi pa huli ang lahat.

__________

"Pakasalan mo si Jasmine."

"Ma!" Sigaw ni Daniel nang marinig ang sinabi ng ina. Inamin nya na sa ina na in love sya kay Kathryn. Humingi sya ng tulong at advice dito. Gusto nyang kausapin ng Mama nya ang magulang ni Jasmine tungkol sa pagka-cancel ng kasal.

"Seryoso ako, anak. Pakasalan mo sya. Kalimutan mo na si Kathryn."

"Hindi yan ang ineexpect kong marinig sayo. Anong nangyayari sayo, Mama?"

"Marami ka ng nasaktan. Wag mo ng idagdag si Dominic at Jasmine sa listahan. Mas mabuti pang mag-settle down ka na lang kasama ni Jasmine. Isa pa, magpapakasal na rin si Kathryn. Don't ruin things for her. Mabuting tao si Dominic at mahal na mahal nya si Kathryn. Sya ang tamang lalaki para kay Kathryn at hindi ikaw."

"Ma..." He said in a long suffering voice. Namumuo na ang luha sa mga mata nya. Kahit ang Mama nya ay sinasabihan na syang mag-give up. He felt so alone in this battle. Gusto nya ng mag-give up pero nagpprotesta ang utak at pus onya. Hindi nya kayang pakawalan si Kathryn.

"Hindi ko gusto si Jasmine, pero magagawan ko naman iyon ng paraan. Itigil mo na ang kalokohang ito, Daniel. Kung sinabi mo ito sa akin noon pa, baka tinulungan kita. Pero iba na ngayon. Anak kita, pero mas mabuting lalaki sayo si Dominic para kay Kathryn. Hindi na sya iiyak. You constantly bring her pain and suffering at hindi ko na iyon mapapalagpas. Ayusin mo ang sarili mo at ayusin mo rin ang gulo nyo ni Jasmine."

Gusto ni Daniel na sumigaw at magwala. Gusto nyang ibato ang lahat ng bagay sa paligid nya. Gusto nyang manakit ng tao. Galit na galit sya sa sarili nya sa mga oras na iyon.

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now