Chapter 3

11.6K 273 29
                                    

Nagising si Kathryn nang may bumato ng dyaryo sa mukha nya. Ang Mommy nya pala. Isinikisik nya ang ulo nya sa unan. Parang may idea na sya bakit galit ito.

"Gumising ka dyan, Kathryn. Mag-usap tayo." Seryosong sabi ng Mommy nya.

"Mommy, ang aga aga pa at ang sakit ng ulo ko. Umattend ako ng party kagabi at pakiramdam ko kakatulog ko pa lang."

"Alam ko. Nasa dyaryo nga nasa party ka! Alam mo bang I lost two important clients dahil sa kalokohan mo? At isa pa alas onse na, hindi na maaga!"

Napabuntong hininga sya at umupo sa kama. Inabot nya ang dyaryo na ibinato sa kanya kanina. Nasa dyaryo nga sya.

"Whoa. Ang ganda ko dito ah. Dapat proud ka sa kin, Mommy." Sabi nya habang tinitingnan ang picture nya sa dyaryo.

"Basahin mo ang nakasulat sa article saka mo sabihin sa akin bakit ako dapat maging proud sayo. Ayusin mo yang gulong pinasok mo kundi ay talagang malalagot ka sa akin. Hindi na kita bibigyan ng pera! Seryoso ako." Galit na galit ang Mommy nyang tinalikuran sya at iniwan doon.

"Para namang di ko kayang mabuhay ng wala yung pera mo." Bulong nya pagkalabas ng ina.

Binasa nya ang ang article.

Kathryn Bernardo sinira ang party ni Julia Barreto kagabi!

Nasabi na ang lahat nasa title pa lang. Sinabi doon na naging bastos sya kay Julia, which is true. Hindi nya ito gusto. Umattend lang sya ng party dahil bored sya kagabi. Hindi nga rin nya alam bakit sya ininvite doon eh obvious naman na hindi rin sya gusto ni Julia. Isa si Julia sa mga kaibigan ni Jasmine pero ang dyosa ng kabaitan na si Jasmine ay no show kagabi.

Napairap na lang sya pagkatapos basahin ang lahat ng nakasulat doon. Fifty percent ng nakasulat doon ay totoo habang ang natitirang kalahati ay puro kasinungalingan. Sabi doon na nilandi nya ang boyfriend ni Julia, si Enrique. Nahuli daw silang naghahalikan sabi sa balita. Nakasulat din na binuhusan nya ng wine ang mamahaling damit ni Julia nang mahuli silang dalawa ni Enrique.

The writer degraded her. Tinawag syang slut, whore, at immoral.

Sinubsob nya uli ang mukha nya sa unan. Wala syang pakialam. Wala syang pakialam kahit siraan pa sya ng ibang tao. Hindi naman na yun bago sa kanya. People had been degrading her eversince nagsimula syang umattend ng mga parties na ganoon.

Nainis sya nang maramdaman nyang umiiyak na sya. Tangina! Hindi dapat ako umiiyak. Maganda naman ako. At dapat alam ko na noon simula pa lang na isa ito sa mga plano ni Jasmine.

Hindi naman sya nakipagflirt kay Enrique. Ang lalaki ang lumapit sa kanya. Nagparamdam ito na gusto nya pero binalewala nya. Hindi nya gawain ang mang-agaw ng boyfriend ng iba at idagdag pa na hindi naman nya ito type. Mag-isa sya noon na umiinom nang bigla sya nitong hilahin at sapilitang halikan. Sakto namang dumating si Julia na may kasamang press. Galit na galit ito sa kanya pero wala syang pakialam. Nakakadiri si Enrique, pati na rin si Julia. Nagsimulang magwala si Julia at minumura sya nito habang nageenjoy naman ang mga taga-press sa eksenang iyon. HInayaan nya lang ito. Nang may dumaang waiter na may dalang wine ay kumuha sya ng isa. Binuhos nya iyon kay Julia para manahimik. Sinusubukan kasi nito ang kanyang pasensya. Bakit ba sya lang ang sinisisi nito? Bakit hindi muna nya awayin si Enrique dahil sya naman ang lalaki?

Hindi nya pinagsisisihan ang pagbuhos ng wine dito. Wala syang pakialam sa sasabihin at iisipin ng ibang tao. Wala rin syang pakialam sa makikita nya sa dyaryo kinabukasan.

Ang masakit para sa kanya ngayon ay naniwala ang Mommy nya sa lahat ng nakasulat sa dyaryo. Mas pinili nitong maniwala sa walang kwentang writers kesa sa sarili nyang anak. Hindi man sya nito tinanong kung totoo baa ng mga nakasulat.

If You Don't Know Me By NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon