Chapter 14

12.2K 380 91
                                    

Hindi na kaya ni Daniel. Masyado na syang nag-aalala kay Kathryn. Wala syang balita kung ano na ang kundisyon nito ngayon. Hindi sya maka-concentrate sa trabaho nya. Hindi sya maka-concentrate sa lahat ng kailangan nyang gawin. Kaya't nagdesisyon syang bisitahin na ito sa ospital. Syempre sinama nya ang Mama nya sa pagpunta nya doon.

Ayaw silang papasukin ng guards pero nagpumilit sya. Sinabihan nya nya ang isang guard na kausapin si Kathryn at sabihing nasa labas sila ng Mama nya. At laking pasalamat nya nang sinunod sya nito. Nang lumabas uli ang guard ay sinabi nitong pwede na silang pumasok.

Nagpasalamat sya at pumasok na sila ng Mama nya sa loob ng kwarto. Pero pagpasok nya ay agad syang natigilan sa nakita nya. Natutulog si Kathryn. Isang gwapong lalaki ang kasama nitong nakahiga rin sa kama. May hawak na libro ang lalaki na para bang binabasahan ang dalaga. Nakayakap si Kathryn sa lalaki at ang ulo nya ay nakahilig sa dibdib nito. They were so intimate. Hindi pa nya nakitang natulog ang dalaga nang ganun kapayapa.

So, ito pala ang fiance ni Kathryn.

Sobrang paseselos ang nararamdaman nya. Gusto nyang hilahin palayo ang lalaki kay Kathryn at itapon ito palabas ng bintana. Gusto nyang sigawan ito at sabihing wala syang karapatang dumikit ng ganon kay Kathryn. Gusto nya itong gulpihin. Gusto nyang alugin si Kathryn para magpaliwanag ito sa kanya.

Pero ano bang karapatan nya para gawin yun? Wala syang karapatan sa dalaga. Sa totoo lang, may utang pa syang apology sa lalaki dahil nagkaroon sila ng affair ni Kathryn. Itong lalaking ito ang dapat na gumagawa sa kanya ng lahat ng mga naisip nyang gawin kanina.

Ngumiti sa kanila ang lalaki. "So, ikaw pala si Daniel." Pormal na sabi nito. "I'm Dominic Roque, ang mapapangasawa ni Kathryn."

Wala syang masagot doon.

Dahan dahang tinanggal ni Dominic ang braso ni Kathryn na nakayakap sa bewang nya pero umungol ang dalaga at hinigpitan ang yakap nito. "Wag kang umalis." Bulong nito habang natutulog.

Lalo nyang ikinainis ang nangyaring iyon pero pinilit nyang pakalmahin ang sarili. Pinaalala nya sa sarili nya na wala syang karapatang magselos.

"Sorry." Bulong ni Dominc sa kanila.

"Okay lang." Sagot ng Mama nya. "Hayaan mo muna syang matulog. Gusto lang naming makita kung okay na sya." Lumapit ang mama nya sa kama at hinalikan sa ulo si Kathryn. "Masaya akong makitang okay na sya."

"Tara na, Ma." Sabi nya sa Mama nya. Kailangan nyang lumayo sa lugar na iyon bago pa mawala ang control nya at uminit lalo ang ulo nya. "Bumalik na lang tayo sa ibang araw."

Tumango na lang ang Mama nya. "Alagaan mo syang mabuti, Dominic." Malambing na pakiusap ng Mama nya sa lalaki.

"Opo. Hindi nyo na kailangang ipaalala. Obligasyon kong alagaan sya." Sagot naman nito.

Lumabas na ng kwarto si Daniel. Hindi na nya kayang tumagal pa doon. Hindi nya kayang makita si Kathryn na may kasamang iba. Nakakaramdam sya ng frustration, galit, at confusion. Ano ba talagang nangyayari sa kanya?

__________

"Anong problema mo?" Tanong ni Jasmine kay Daniel.

Nandoon sila sa labas ng bahay ng dalaga. Nagdinner sila kanina kasama ng Mama nya at pinagusapan nila ang ilang detalye ng kasal. Kakahatid lang nya dito sa bahay. Wala sya sa sarili sa buong oras na magkasama sila. Wala sya sa mood na ayusin ang sarili nyang kasal. Ang utak nya ay na kay Kathryn. Iniisip nya ito maghapon.

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now