Chapter 4

11.8K 304 30
                                    

Natutuwang pinapanood ni Daniel si Kathryn na kumakain ng goto na para bang ganadong ganado ito. Pangalawang bowl na nga ito ng dalaga. Hindi sya makapaniwalang parang construction worker ito kung kumain. Nasa isang maliit silang gotohan. Maliit lang ang lugar na iyon, masikip at mainit. Maingay din doon. Nagdududa nga sya kung malinis baa ng pagkain doon. Don't get him wrong, hindi naman sya maarte. Pero hindi pa kasi talaga sya nakakakain sa ganung klaseng lugar dati.

This was the last place he expected Kathryn would take him to. Pero somehow it felt good. Ito pala ang kinakainan ng mga normal na tao.

"Hindi mo kinakain ang pagkain mo." Sita sa kanya ni Kathryn habang abala ito sa pagkain.

"You're talking while your mouth is full!" Hindi naman sya galit. Na-amuse nga sya. Akala nya kasi ay prim at sosyalin itong si Kathryn. Napaka-class kasi nitong tingnan mula ulo hanggang paa. She looked so adorable, and very lovely. For a while ay nakalimutan nyang isa itong pasaway, brat, at rebelled.

"Kumain ka na. Wag mong gutumin ang sarili mo. Malinis yan, promise."

"Bakit mo ba ko dinala dito? Ineexpect ko pa naman na kakain tayo sa mamahaling restaurant."

"Wala akong pera pambayad sa expensive na dinner." Nakangising sabi ng dalaga. "Galit na galit si Mommy sa article sa dyaryo."

"At nadepress ka dahil sa article?"

She wrinkled her pretty nose. "Parang ganun na nga."

"Eh di pabayaan mong ako ang magbayad."

"Hindi pwede. Ako ang magbabayad ng lahat ng ito. May pera pa naman ako. Ako naman ang nagyaya sayong lumabas. Wag ka ng magreklamo kundi maiinsulto ako nyan. Kumain ka na."

Hindi sya nakakain masyado. Mas gusto nyang panoorin itong kumain. Hindi sya makapaniwalang may babaeng maganda pa rin kahit parang lalaki kung kumain. It feels so refreshing. Nakikita nya ang other side ni Kathryn.

"Saan mo nilalagay ang lahat ng kinakain mo?" Tanong nito nang marinig nyang umorder pa ng Tokwa't baboy ang dalaga.

Ngumisi uli ito sa kanya. "Sa tyan ko, san pa ba? Alam ko namang you find me sexy. Hindi mo na kailangang sabihin iyon. Alam ko ring gorgeous ako, lovable, pretty, fabulous..."

"Conceited ka rin noh?" Pang-aasar nya dito.

Tumawa ng malakas si Kathryn. "Daniel, hindi yun pagbubuhat ng bangko, totoo yun."

Well, totoo naman talaga. She's God's gift to men.

Pagkatapos kumain ay naglakad lakad sila. Huminga s yang malalim. Mga twenty minutes na rin silang naglalakad at hindi nya alam kung saan sila pupunta.

Tiningnan nya si Kathryn na nakangiti lang na parang kuntentong kuntento ito.

"Anong naramdaman mo nung nabasa moa ng mga nakasulat sa dyaryo kanina?" Tanong nya dito. "Nasaktan ka ba? Be honest."

Nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga. Tiningnan sya nito. "What do you think?"

Gustong sipain ni Daniel ang sarili nya. Syempre masasaktan sya. Sino ba naman ang hindi? Tao lang din naman si Kathryn. Hindi naman ito bato na walang feelings.

Narinig nyang nagbuntong hininga ang dalaga. "Wala akong pakialam sa iisipin ng ibang tao tungkol sa kin. Hindi ko naman ikamamatay iyon. Their thoughts would never matter to me. Pwede nila kong insultuhin hangga't gusto nila at wala akong mararamdaman. Pero ang Mommy ko hindi ibang tao. Kung anong sasabihin nya tungkol sa akin would always matter to me. Ang masakit lang, naniwala sya doon sa article nang hindi man lang ako tinatanong kung anong nangyari."

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now