Chapter 5

12.4K 362 140
                                    

Naramdaman na ni Daniel na may problema nang iniwasan ni Jasmine ang labi nya nang hahalikan sana nya ang dalaga. Dinalaw nya kasi ito sa opisina pero mukhang masama ang timpla ng nobya.

"Anong problema?" Tanong nya dito.

"At talagang tinanong mo pa ko ha?" Sarcastic na tanong pabalik sa kanya ni Jasmine.

Napakunot ang noo nya. "Anong ginawa kong mali?"

Tiningnan sya nito ng masama. "Nakita ka ng kaibigan ko kasama mo si Kathryn sa bar noong isang gabi. My God, Daniel! Wala ka bang kahihiyan sa katawan?"

"Nagseselos ka ba?"

"Of course not! Kung may isang bagay na hindi makukuha sa akin ni Kathryn ay ikaw yun. She will never have you. Hindi lang ako makapaniwalang nagpunta ka sa bar kasama nya. Nakakahiya! Sabi ng kaibigan ko nagsasayaw kayo ng wild. Daniel, twenty eight ka na, hindi eighteen. Hindi ka na teenager para sumayaw ng ganon. Presidente ka ng isang malaking kumpanya utang na loob naman! Anong sasabihin ng mga kaibigan natin? Pumunta ka sa bar at sumayaw kasama ng... ng... slut na yun!"

Nagdilim ang mukha nya sa galit. Hindi nya nagustuhan na tinatrato sya ng nobya na tila ba isang bagay na pag-aari nito. Hindi sya bagay. He's human at may feeling sya. Isang taong may karapatang magsaya.

"Kathryn is not a slut!" Sita nya sa sinabi ng nobya. Hindi nya gustong tinatawag ng ganoon si Kathryn kahit pa ang taong iyon ay ang pinakamamahal nyang girlfriend.

"Hindi sya slut?" Sagot nito sa kanya. "Anong tawag sa kanya? Whore?"

"Pwede ba tumigil ka na, Jasmine?"

"So bigla ka na lang naging knight in shining armor nya. Bakit? Did she give you one wild ride noong isang gabi? Did you enjoy screwing that expensive whore?"

Binuksan nya ang bibig nya para pagsabihan ng masasakit na salita si Jasmine pero buti na lamang at napigilan nya ang sarili nya. Napailing na lang sya sa pagkadismaya. Hindi sya makapaniwalang ganito ang pinagsasabi ni Jasmine. His pure and demure Jasmine. At kahit na mahal na mahal nya itong babaeng sa harapan nya ay hindi nya pa rin mapigilan ang sarili nyang protektahan si Kathryn. She doesn't deserve those words.

Jasmine honestly acted cheap, malicious, and narrowminded.

Pinagaan ni Kathryn ang nararamdaman nya noong isang gabi. In her odd way, naparealize nito sa kanya na hindi naman ito kagaya ng sinasabi ng ibang tao tungkol sa kanya. Andun si Kathryn nang kinailangan nya ng isang taong makakausap. Pinakinggan sya nito.

May mabuting puso si Kathryn.

Lumabas na lang sya sa opisina ni Jasmine bago pa sya makapagsalita ng kung ano. Sa unang beses simula nang nakilala nya si Jasmine ay nainis sya dito. Hindi nya alam na ganun pala ito kababaw.

Bumalik na sya sa opisina nya. Sinubukan nyang magconcentrate sa trabaho nya dahil sinira na ni Jasmine ang araw nya.

__________

Hinalikan ni Kathryn ang Tita Carla nya sa pisngi. Naabutan nya itong nagluluto sa kusina.

"Hmm... Mukhang masaya at glowing ang prinsesa ko ha. Anong meron?"

Ngumisi sya dito. "I had fun kasama si Daniel noong isang gabi. Sana magstay syang mabait sa akin."

If You Don't Know Me By NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon