Chapter 6

12K 351 107
                                    

Busy si Kathryn sa computer nang biglang magring ang phone nya. Napakunot ang noo nya. Alas tres na ng madaling araw. Sino naman kayang hudas ang tatawag sa kanya ng ganitong oras? Tumawag na sa kanya si Dominic two hours ago. Hindi sila masyadong nakapagusap dahil may kailangan pa syang tapusin.

"Hello?" Sagot nya sa tawag.

"Nagising ba kita?"

Napairap na lang siya. "Daniel." Walang ganang sabi nya.

"Nagising ba kita?" Tanong ulit nito.

"Hindi."

Narinig nya itong nagbuntong hininga. "Im sorry." Mahinang sabi ng binata.

"Really?" Sarcastic na tanong nya dito.

"Kath-"

"Oo na! Alam ko na yan. Ayaw mong masaktan ang pinakamamahal mong girlfriend kaya ako na lang sinaktan mo."

"Hindi sa ganon. Pakinggan-"

"Hindi, ako ang pakinggan mo. Ayoko sa mga hypocrites so stop acting like one. Gusto mo ko, it was so obvious."

"Kathryn."

"Sinabi nang makinig ka! Para sayo si Jasmine ang pinaka-sagradong bagay sa mundo. Tinulak mo ko palayo dahil di mo kayang makitang nasasaktan sya. Gusto mong pakalmahin sya. Gusto mong iassure sya na mahal na mahal mo sya. And the only way you can do that is to throw me out. Naiintindihan kita. Ganyan ka naman. Simula nang dumating si Jasmine sa buhay natin, naging ganyan ka na sa akin."

"Kathryn..."

Pinigilan ni Kathryn ang mga luha na nagbabadya nang tumulo. "On second thoughts, hindi ko pala naiintindihan. More like, nasanay na lang ako. Nasanay na kong itapon pagkatapos gamitin."

"Hindi kita ginamit!"

"Eh anong tawag mo dun? We fell in lust with each other?"

"Stop talking like a... like...a...like a...a..."

"Like a whore? Slut?"

Narinig nyang nagbuntong hininga ang binata. "Hindi ko alam bakit ba kinakausap pa kita. At bakit nagabala pa kong mag-sorry sayo."

"Bakit nga ba?"

"Because I cant stop thinking about you! Hindi ako makatulog because my mind is occupied with your image. Iniisip ko kung nasaktan ka ba sa nangyari kanina. Tumawag ako para magsorry and to make you feel better."

Huminga sya ng malalim. "I feel better na. Wala lang yun. Late na, ibaba mo na yung phone."

"Bakit gising ka pa?" Tanong nya imbes na tapusin ang usapan.

"Insomniac kasi ako."

"Hindi ko alam yun ah."

"Wala ka namang alam tungkol sa akin."

Natahimik si Daniel. "Oo nga. Anong ginagawa mo?" Interesadong tanog nya.

"Making love stories."

"What the hell for?"

"What the hell for what?" Naiinis na tanong nya sa binata.

"Bakit ka gumagawa ng love stories? Hindi ako naniniwalang gumagawa ka nyan. It's so not you."

"As I've said, wala kang alam tungkol sa kin. Lahat ng tao pwedeng gumawa ng love stories. Bakit ba kinakausap pa kita? Ibaba mo na nga! Busy ako."

If You Don't Know Me By NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon