Chapter 19

12.6K 389 86
                                    

Their kiss was tender and loving, gustong maiyak ni Kathryn. Masuyo syang hinahalikan ni Daniel. Ibibigay nya na ang lahat sa binata at hindi nya iyon pagsisisihan. Sigurado na syang she would never love another man in this lifetime. Gusto nyang ibigay dito ang lahat. Her heart, her body, her soul, her all.

Sinimulan na nyang i-unbutton ang polo na suot na ng binata. Daniel moaned when her fingers played with his nipples. Their kiss became passionate, hard, demanding, and deep. She was totally lost. Kissing the man you love would always give you a certain high.

Napakunot ang noo ni Kathryn nang biglang dumistansya sa kanya si Daniel. "What's wrong?"

He sighed and stood up. Naglakad ang binata papunta sa may bintana. "Gusto kita and it's obvious. I want all of you. I know na balang araw pagsisisihan ko to pero ayokong magtake advantage sayo. Alam kong vulnerable ka ngayon. Ayokong makaramdam ka ng pagsisisi pagkatapos. Masasaktan ako ng sobra."

Daniel is turning her down? Handa na syang ibigay ang lahat dito at tinanggihan sya nito? Pain crossed her eyes and he saw it. Agad bumalik si Daniel sa kinatatayuan ni Kathryn. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ng dalaga at tinitigan sa mga mata.

"I want you. Don't think otherwise. Kung pipiliin kong maging gago sa mga oras na ito, I would gladly ravish you. Pero kasi, I respect you a lot. Alam kong gusto mong kalimutan yung mga nangyari pero hindi ko pwedeng gawin yun kapag alam kong vulnerable ka. Hindi ka nakakapagisip ng maayos ngayon. Gaya ng sabi ko kanina, ayokong pagsisihan mo ito pagkatapos."

"Hindi ko to pagsisisihan. Kung may isang lalaking gusto kong makasamang gawin ito, it's you. Ikaw lang."

Ngumiti si Daniel. "I'm flattered. Pero hindi ka sa kin. Kay Dominic ka. It's morally wrong."

"Tangina."

Dahan dahan syang hinila ni Daniel at niyakap. Hinalikan din nito ang ulo nya. "Wag na tayong mag-away, okay?"

Tumango sya. Humiga si Daniel sa sofa at hinila sya nito muli para makahiga sya sa ibabaw ng binata. She burried her face in his neck. It felt heaven. Pakiramdam nya ay safe sya sa yakap nito. Lahat ng pangit na nangyari sa kanya ngayong araw na ito ay nakalimutan nya.

Nanatili lamang silang tahimik hanggang sa makatulog sila. Nagising si Kathryn bandang hatinggabi. Pinagmasdan nya si Daniel habang mahimbing pa ring natutulog. Dahan dahan nyang hinalikan ito sa noo, sa ilong, at sa labi. Namumuo na naman ang mga luha nya. Kailangan na nyang lumayo hanggat kaya pa nya. Kailangan nya itong gawin ngayon. Hindi na nya kaya pa.

Makukuntento na syang mahalin ang binata mula sa malayo. Tama ito sa sinabi kanina. It was morally wrong. Marami syang ginawang kabaliwan para dito. Lahat ay ginawa nya para mahalin din sya nito. God knew how hard she tried. Kaya't magiging madali sa kanya ang lumayo dahil wala syang pinagsisisihan.

Maingat nyang tinanggal ang kamay ni Daniel na nakayakap sa kanya at saka sya tumayo. Tahimik syang lumabas mula sa opisina nito. She guessed it was the best goodbye for them. Hindi na sya dapat magiwan ng note o kahit ano pa man. Hindi naman iyon kailangan. Mas gusto nyang umalis ng walang paalam.

Biglaan ang desisyon nya pero alam nyang iyon ang tamang gawin.

__________

Maagang nagising si Dominic. Nageenjoy naman sya sa stay nya sa Manila so far. Nagkaroon sya ng oras na magpahinga at magrelax. Lagi kasi syang nagttrabaho kapag nasa Cebu sya. Bumangon na sya mula sa kama at nag-inat. Napakunot ang noo nya nang may makita syang sticky note sa mirror. It was a note from Kathryn.

Dominic,

Biglaan ang desisyon ko, I hope you understand. Babalik na ako sa Cebu. Tatawagan kita pagkalapag ng eroplano ko. Can I ask you a favor? Pwede bang dyan ka muna at tapusin lahat ng unfinished business ko? Alam mo naman kung saan hahanapin ang mga lawyers ko. Wag mo ng itanong bakit bigla akong umalis. Kailangan ko lang gawin ito. Wag ka ng maraming tanong. Thank you and I love you. You take care.

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now