Chapter 2

12K 272 56
                                    


Napangiti si Kathryn nang makita nya ang kanyang Tita Carla na nagbabasa ng libro sa private garden nito. Ito ang ina ni Daniel. She has always been close to her. Magkalapit lang kasi ang bahay nila. Gustong gusto nyang nakikipaglaro dito noong bata pa sya. She feels the motherly love she longed to have from her.

"How's the most beautiful mother in the whole wide world?" Bati nya dito.

Napatingin ito sa kanya at ngumiti. "Hindi ako nagulat na andito ka na. Sinabi na ni Daniel na uuwi ka kaya't inaasahan ko nang dadalaw ka. Namiss kita, Kathryn. Ang tagal mo ring nawala."

Hinalikan nya sa pisngi ang kanyang Tita Carla. Kung may isang tao man na naging isang ina para kanya, ito ay ang kanyang Tita Carla, ang bestfriend ng Mommy nya. Yun nga lang kinamumuhian sya nang anak nito.

"Namiss din po kita. Nagbabasa ka na naman." Umupo sya sa tabi nito.

Mahilig kasing magbasa ang nakakatandang babae. Meron itong sariling library. Napasimangot si Kathryn nang makita ang librong binabasa nito. Isa itong English romance novel na isinulat ng isa sa mga sikat na writers na kilala kahit sa America, si Princess.

"Ilang buwan na kasi ang nakalipas, nadiscover ko tong writer na to. Nagustuhan ko ang mga gawa nya, kaya't nagsimula akong mangolekta ng mga gawa nya. Ang wala na nga lang ako ay ang una nyang dalawang novels."

"Hindi ko alam ko na mahilig ka pala sa romance novels, Tita."

Ngumiti ito sa kanya. "Gusto ko kasi ang paraan ng pagsusulat ni Princess. Napapatawa at napapaiyak nya ako. Gusto ko yung mga words of wisdom nya. Gusto ko nga syang personal na makilala. She makes me feel young."

Nagkibit balikat lamang sya. "Pupusta ako isa syang matabang matandang dalaga na nakatira mag-isa. At mahilig lang syang mag-day dream. Romance writers live in a fantasy, false world. Mas pinipili nilang huwag tumira sa reality. Nag-eexagerate sila ng mga bagay bagay para gawing perfect ang lahat, pero ang totoo wala namang perfect life. Walang happy ending sa totoong buhay. Teka nga, ayoko na ng topic na to. Grabe, ang tagal kong nawala Tita tapos pinaguusapan natin yang walang kwentang writer na yan." Umirap sya at natawa ang Tita Carla nya sa kanya.

"Kamusta ka na?"

"Okay naman po ako. Masaya. Ay teka may mga binili ako para sayo. Sigurado akong magugustuhan nyo to. Ako mismo ang pumili nyan. Tingnan nyo." Inabot nya sa matanda ang ilang paper bags.

"Nako, salamat anak. Hindi ka talaga nakakalimot na pasalubungan ako tuwing umuuwi ka. At isa pa ha, gumaganda ka yata."

"Syempre naman po mas gaganda talaga ako. Sino ba naman ang hindi? Wala akong problema sa buhay, lagi lang akong nagshoshopping at nagttravel. I have a great life. Hindi ako nagttrabaho, pero nakukuha ko ang lahat ng gusto ko. Hindi ko na kailangan magtrabaho kasi kaya naming ibigay ng Mommy ko ang lahat sa akin."

Tiningnan syang mabuti ng Tita Carla nya. "Kelan ka ba titigil na magpanggap na masaya ka? Kelan mo aaminin na malungkot ang buhay mo?"

She smiled bitterly. Kahit kailan talaga ay nababasa sya agad ng Tita Carla nya na parang libro. Alam nito kung totoong masaya sya o nasasaktan. Isa ito sa mga iilang taong talagang nakakaintindi sa kanya. Itinuturing sya nitong parang tunay na anak. Ayon kasi dito, ay buntis din sya nang ipinagbubuntis sya ng Mommy nya. Dapat ay magkakaroon ito ng anak na babae, kaso ay namatay ang bata. Kaya't sa kanya na lamang binubuhos ng matanda ang pagmamahal nito para sa isang anak na babae.

Sa loob loob nya ay masaya syang hindi nagkaroon ng anak na babae ang Tita Carla nya kundi ay wala rin itong pakialam sa kanya ngayon. Laking pasasalamat nya at mahal sya ni Dominic at ng Tita Carla nya, pero gusto rin sana syang mahalin sya ng Mommy nya. Dahil kailangan nyang tanggapin ang katotohanang hindi naman nya tunay na ina ang Tita Carla nya. Alam nyang pag nagpakasal sina Daniel at Jasmine, ay katapusan na din nya. Aagawin din ni Jasmine ang Tita Carla nya kagaya ng pang-aagaw nito sa Mommy nya at kay Daniel.

Papayagan ban yang mangyari yun?

Syempre hindi!

Sumosobra na si Jasmine. Oras na para kunin nya ang nararapat na kanya.

Tiningnan nya uli ang librong binabasa ng Tita nya.

Princess.

Napangiti sya dito.

__________

Nagising si Daniel ng maaga. Doon sya natulog sa condo ni Jasmine pero wala na ang dalaga sa kama. Sigurado syang nasa kitchen ito at nagluluto ng breakfast. Napangiti sya at nag-inat. His Jasmine is a perfect wife.

Nagsuot sya ng robe ang naglakad papunta sa kitchen.

"Morning!" Nakangiting bati ni Jasmine habang inaayos ang pagkain sa lamesa. "Halika! Kain ka na. Siguradong hinahanap ka na ni Tita Carla. Dapat makauwi ka na agad."

Napakunot ang noo nya. Masyado talaga syang bine-baby ng Mama nya.

"Twenty eight na ko, Jasmine. Pwede akong umuwi kahit anong oras ko gusto at hindi naman mag-ffreakout si Mama."

Hinalikan sya ni Jasmine sa lips. "Inaasar lang kita, honey. By the way, bumisita na ba si Kathryn sa inyo?"

He lifted his shoulders habang abalang kumakain. "Di ko alam. Wala namang nakwento sa akin si Mama. Alam mo naman binibisita nya muna si Mama bago nya guluhin ang buhay ng ibang tao. Hindi ko nga alam bakit gustong gusto sya ni Mama kahit pa ang dami nyang nadalang problema at sakit ng ulo."

Nagpout lamang si Jasmine. "Minsan nagseselos na ako. Mas mahal ng Mama mo si Kathryn kesa sa akin. Ang unfair kasi ako ang fiancé ng anak nya."

"Nasabi ko na sayo bakit nya gusto si Kathryn diba?"

"Oo." Malungkot na sagot nito. "Nakikita nya dito ang anak nyang babaeng namatay twenty seven years ago kay Kathryn. Pero sigurado akong kung nabuhay ang kapatid mo, ay ihahate din ng Mama mo si Kathryn."

"Bakit ba natin sya pinaguusapan?"

"Hindi ko mapigilan. Kinakabahan kasi ako. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ng isang yun ngayon. Alam kong guguluhin na naman nya ako. Hay nako sumasakit ang ulo ko sa kanya."

Huminga ng malalim si Daniel. "Bakit hindi mo na kasi tigilan ang pagiisip sa kanya? She is nothing. Ilang beses ko bang uulitin yan sayo?"

"Alam mo, hon. Nakakapagod na kasi. More than twenty years na kaming nag-aaway. Kelan kaya ito matatapos?"

"Gawin mo na lang ang lahat ng pwede para maiwasan mo sya. Wag mo syang pansinin."

"Tama ka. She's not worth my time and attention."

Pagkatapos nyang kumain kasama si Jasmine ay umuwi na sya. Sa bahay pa rin sya ng ina nakatira kahit twenty eight na sya. Hindi nya kasi itong kayang iwan na mag-isa sa bahay. Nakita nya kung gaano nasaktan ang Mama nya nang mamatay ang Papa nya sampung taon na ang nakalipas.

"Nasaan si Mama?" Tanong nya sa kasambahay nila.

"Nasa garden ho, sir."

Naglakad sya patungo sa private garden ng Mama nya. Malamang ay nagbabasa na naman ito. Napangiti sya nang makarinig sya ng malalakas na tawa. Nahulaan nyang malamang ay may bisita ito. Pero natigilan sya nang makita kung sino ang bisita nito.

'The brat is really back.' Sabi nya sa utak nya.

Lumapit sya sa mga ito. Nakita nyang ngumiti agad si Kathryn nang makita sya. Pero hindi sya ngumiti pabalik. Naalala nya ang mga panahong sinaktan nito physically at emotionally si Jasmine. Humalik sya sa pisngi ng Mama nya.

"Anak, tingnan mo ang mga pasalubong sa akin ni Kathryn. Ang gaganda diba?" Masayang pinakita ng ina sa kanya ang mga mamahaling alahas at sapatos.

"Hindi naman maganda, Mama."

"Daniel! Malabo ba mata mo? Magaganda kaya!"

"Magiging maganda lang yan sa paningin ko kung ang perang ginamit nya pambili nyan ay pinaghirapan nya. Pero hindi, ginastos nya ang pera ng iba. Paano yan magiging maganda?"

"Nice seeing you too, Daniel. Hello nga pala." Sarcastic na singit ni Kathryn sa usapan nilang mag-ina.

Tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa. Mukha itong sosyal at mayaman. "Eight months na ang nakalipas pero bakit wala man lang akong makitang progress galing sayo, Kathryn Bernardo? Utang na loob, grow up!"

"Tama na yan, Daniel!" Saway sa kanya ng Mama nya.

Umirap na lamang sya. Hindi nya talaga maintindihan bakit kinukunsite ng Mama nya ang brat na iyon. Kailangan nya atang pilipitin ang kamay ni Kathryn at paluin sap wet para magtanda. Kailangan na nitong mag-mature kundi ay ito ang dahilan ng pagkamatay ng Mommy nito.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Daniel. Ikaw pa rin ang stupid na taong ang daming sinasabi I left eight months ago."

"Hindi ako stupid."

"You are."

"I'm not."

Napabuntong hininga na lang si Kathryn. "Sige hindi ka na stupid, pero ang dami mo pa ring sinasabi. Wag ka ng magreklamo dahil ayokong makinig. Teka, may pasalubong ako para sayo." Inabutan sya nito ng isang box. Nang binuksan nya ito ay nakita nya ang isang colorful na necktie.

"Hindi ko kailangan nito. Marami akong necktie."

"You're welcome." Sarcastic na sagot ni Kathryn.

"Maappreciate ko ito kung sarili mong pera ang ipinambili mo. Wala kang idea kung paano pinapatay ng Mommy moa ng sarili nya sa trabaho para lang masunod ang mga luho mo. For once, have pity on her."

"Kapag sinabi ko naman sayong binili ko yan gamit ang sarili kong pera hindi ka naman maniniwala, diba?"

"Paano ako maniniwala eh wala ka namang trabaho, wala ka pang college degree. Wala kang alam. Sige, sabihin mo sa akin paano ka nagkaroon ng sarili mong pera? Nagnakaw ka?"

"Daniel, sumosobra ka na! Mahirap bang magpasalamat ka na lang? Tama si Kathryn, ang dami mong sinasabi." Saway na naman ng Mama nya.

"Pero Mama. Kailangang matuto ng babaeng yan. Twenty seven na sya. Kailangan na nyang matutong kumita ng sarili nyang pera, magkaroon ng sariling career, at maging successful gaya ni Jasmine."

"Hindi ako si Jasmine." Naiinis na sagot ni Kathryn.

"Alam ko. And you will never be like her, pero hindi ba it's high time para mag-aral ka na tungkol sa business nyo? Hindi na bumabata ang Mommy mo."

"Wala kang alam tungkol sa akin at wala kang karapatang pagsabihan ako kung anong gagawin ko sa buhay ko."

"Look at that attitude. Ikaw na nga ang tinutulungan. Hopeless case ka na nga pala, nakalimutan ko."

"I. Don't. Care."

"Okay, pero binabalaan kita, layuan mo si Jasmine."

Ngumisi ang dalaga sa kanya. "Paano pag ayoko? Gusto kong pinapaiyak sya. Ang saya-saya ko kapag umiiyak sya ng dahil sa akin."

"Bitch!"

Tiningnan sya nito. "Ilang beses ko nang narinig yan for twenty years. Sa tingin mo ba may epekto pa yan sa kin? Im a bitch, so what?"

Nagdilim ang mukha nya sa galit. Pinigilan lang nya ang sarili nyang sakalin ang magandang dalaga sa harap nya. "Nasa kwarto lang ako at maliligo muna ako, Mama. Sana wala na ang bisita mo pagkatapos ko. Hindi ko sya kayang tagalan. Hindi ko alam kung pano mong nagawang makasama ang isang she-devil na katulad nya."

Tatalikod na sana sya nang bigla syang yakapin ni Kathryn. It was a gentle embrace - almost a loving embrace. He felt warm all over. Biglang nawala ang galit nya. Buong akala nya ay hindi na sya maaapektuhan sa mga yakap nito. Si Kathryn lang talaga ang may kakayahang galitin sya ng sobra sobra at sya lang din ang nakakapagpakalma sa kanya kahit pa gaano sya kagalit sa pamamagitan ng isang yakap lamang. Simula ng bata pa sila, yakapin lang sya ni Kathryn ay nawawala na ang galit nya.

Lagi nyang sinasabihan ito ng mga masasakit na salita, pero napapasunod pa rin sya nito kahit noon pa. Siguro ay dahil concerned din sya dito. Sabay silang lumaki. Maybe saying bad things about her is his way of telling her to grow up and start fixing her life.

He started stroking her hair. "Kelan ka ba titigil sa mga ginagawa mong kalokohan?" Malambing na tanong nya dito.

Nakita nyang nakangiti ang Mama nya sa kanila.

"I missed you." Bulong ni Kathryn. "Hindi ka na galit sa kin diba?" At humigpit ang yakap nito sa kanya.

Kathryn could really be adorable sometimes.

"Hindi pa rin kita masyadong bati."

Hinalikan ni Kathryn ang pisngi nya. "Alam ko, pero galit ka pa ba?"

"Alam mo namang hindi na." Bulong niya dito.

"Okay na kayong dalawa?" Tanong ng Mama nya. "Sige na, Daniel. Maligo ka na. Kathryn, saluhan mo kami sa lunch. Magluluto ng masarap si Daniel para sayo."

Napakunot ang noo nya. "Wala ako sa mood magluto ngayon, Ma. Utusan mo na lang sina Manang na magluto."

"Magluluto ka para kay Kathryn." Matigas na utos ng Mama nya.

Wala naman syang choice kundi sumunod.

__________

Ngumingiti si Kathryn sa lahat ng empleyadong napapatigil para pagmasdan sya habang naglalakad sya paputa sa opisina ni Jasmine. Napagdesisyunan nyang bisitahin ang mortal enemy nya. Sisimulan na nyang guluhin ito. She smiled wickedly.

Wala ang secretary ni Jasmine nang makarating sya sa opisina nito. Kaya't pumasok na lang sya sa loob ng walang paalam. Pero wala din si Jasmine sa loob. Nadisappoint tuloy sya. She badly wanted to irritate her. Siguro ay naramdaman nitong dadating sya kaya't nagtago ito. Naupo sya sa harap ng desk ni Jasmine.

Ginalaw nya ang mouse ng computer nito at lumabas ang isang presentation sa screen. Mukhang halos tapos na iyon. Binasa nya ang buong presentation. Napagtanto nyang napakaimportante pala ng nilalaman non. At sigurado syang pinaghirapan ito ni Jasmine na gawin.

"I wonder how much damage it will cost kapag dinelete ko ito?" Tanong nya sa sarili.

Sa pagkakakilala nya kay Jasmine, sigurado syang iiyak ito sa isang sulok pag nalaman nitong dinelete nya ang presentation. Magsusumbong ito kay Daniel at magdadagdag pa sa kwento. Sigurado syang kukumprontahin sya ni Daniel at mag-aaway na naman sila. They will insult each other. Tapos yayakapin nya ito. Susunod namang susugod sa kanya ay ang Mommy nya.

Pupuntahan sya ni Daniel at ng Mommy nya. Makukuha nya ang attention ng mga ito. Magkakaroon sila ng oras sa kanya.

She's such a pathetic creature!

Dinelete nya ang presentation ni Jasmine. Sinigurado nyang walang natirang back up file. Nag-iwan sya ng note na nagsasabing dinelete nya iyon.

Lumabas sya ng opisina nito na parang walang nangyari.

Wala pa rin ang secretary ni Jasmine.

"Im off to shop. Goodluck sa presentation mo, Jasmine!"

__________


If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now