Chapter 10

10.7K 375 57
                                    

Nang magising si Kathryn kinabukasan ay wala na si Daniel. Pero nagiwan naman ang binata ng note sa bedside table. Sabi nito ay kailangan nyang pumasok ng maaga sa opisina at niyaya din syang maglunch sa isang restaurant mamaya.

Tiningnan nya ang orasan. 10:30 na ng umaga at magkikita sila ni Daniel ng alas dose. Umuwi na sya para makapagbihis. Pinili nya ng mabuti ang susuotin nya. Gusto nyang maging maganda para sa binata.

Dumating sya sa restaurant ng maaga. Napasimangot sya nang makita nya ang lugar. Tahimik na restaurant lang iyon at konti lang din ang kumakain. Pakiramdam nya ay isa syang maruming kabit. Sa utak nya ay minumura nya si Daniel dahil pinaparamdam nito iyon sa kanya. Ilang buntong hininga ang pinakawalan nya. Ginusto nya to kaya't kasalanan din naman nya.

Pagkatapos ang mga limang minutong paghihintay ay nagring ang cellphone nya. Agad nya iyong sinagot.

"Hello?"

"Kathryn, sandali lang ha." Si Daniel iyon. "Medyo malalate ako. Nasa emergency meeting ako kasama ang isang client. Makakapaghintay ka ba?"

"Oo, sige.! Okay lang ako dito. Hintayin na lang kita."

"Okay. Salamat. Bye." At binaba na ng binata ang tawag.

Ibinalik nya ang phone sa kanyang bag. Nagugutom na sya pero makakapaghintay pa naman sya. Ayaw nya kasing kumakain ng magisa. Kinuha nya ang isang libro sa bag nya. Lagi nya iyong dala kahit saan sya magpunta. Isa itong romance novel. Nagsimula syang magbasa kahit pa namemorize na nya ata lahat ng nakasulat doon. Pampalipas oras lamang.

"Ummm... excuse me..."

Napatingin sya sa nagsalita at ngumiti nang makitang isang dalagang ang lumapit sa kanya. Nakaupo ito sa wheelchair. May kasama itong medyo may edad ng babae na tinutulak ang wheelchair. Siguro ay mga sixteen o seventeen lamang ang dalaga.

Ngumiti pabalik ang dalaga. "Hello. Pwede ba kitang maistorbo saglit, Miss?" Nahihiyang tanong nito.

"Oo naman. Halika. What can I do for you?"

Tumikhim ito. "Yang book na binabasa mo ay sinulat ng favorite writer ko. Meron ako ng lahat ng libro nya except yan. Yan ang unang novel nya na na-publish. Gusto ko sanang bilhin yan from you. Kahit magkano. Gusto ko lang talaga ng copy nyan."

"Fan ka ni Princess?"

Tumango ito. "Nakaupo na ko sa wheelchair na to eversince I can remember. I've been sick buong buhay ko. Sya lang ang nakaka-entertain sa kin through her books. Kaya please po ibenta nyo na sa akin yan."

Tiningnan nya ang dalaga tapos ang librong hawak nya. "Favorite ko ito. Nasa akin na ito simula pa lang ng unang napublish ang mga libro ni Princess. Dala ko ito kahit saan ang magpunta. Meron itong sentimental value."

"Sinabi ko naman sayo, Erika." Saway ng nakakatandang kasama nito. Saka ay humarap sa kanya. "Pasensya na at naistorbo namin kayo Miss..."

"Kathryn. Kathryn Bernardo." Inoffer nya ang isang kamay para makipagkamay sa kausap.

"Ako naman si Erika." Tinanggap ng dalaga ang kamay nya. "At ito naman ang Yaya Isabel ko."

"Nice to meet you both."

Napansin ni Kathryn ang lungkot sa mga mata ni Erika. Hindi sya makapaniwalang gusto nitong bilhin ang librong hawak nya. Hindi naman iyon ang best na libro ni Princess. At hindi sya makapaniwalang may mga taga-Maynila na gusto ang mga libro ni Princess.

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now