Chapter 17

11.5K 389 100
                                    

Bored na bored si Kathryn sa party. Nag-organize ang asawa ng Daddy nya ng isang party ng hindi nya alam kung para saan. Hindi na rin sya nag-abalang magtanong. Ang daming taong invited at pinilit din syang umattend. Halatang nag-eenjoy si Dominic sa gabing iyon dahil noon pa man ay party goer talaga ito.

Naiiyak na sya sa sobrang bored. Wala pa naman doon si Daniel. Sabi ng Tita Carla nya ay sabi daw ng binata na wala ito sa mood na pumarty ngayong gabi. Pero naroroon ang fiance nito. Maganda naman si Jasmine ngayong gabi pero wala sya sya mood na makipagkompitensya. Wala sya sa mood for some bitching.

Naglakad sya papunta sa garden meron kasi doon na isang taong spot kung saan makakapagpahinga sya saglit. Gusto nya munang lumayo sa mga tao. Mababait kasi silang lahat sa kanya and it truly scared her. Hindi nya tuloy alam whether to hate or love Princess. Lahat ng tao naging hypocrite pag kaharap sya.

Natigilan sya nang may makita syang couple na nasa tagong parte ng garden. They were kissing torridly, almost making out. Shock was an understatement nang makilala nya kung sino iyon. Si Jasmine at ang pinsan ni Daniel na si Sam.

The betrayal made her sick. Tama pala sya all along. Jasmine was never an angel. Umalis na sya dun agad. She was so worried about Daniel. Baka hindi nito kayanin ang katotohanan. The betrayal would hurt him terribly.

Nanatili sya sa veranda ng bahay. Nagsindi sya ng sigarilyo para pakalmahin ang sarili nya. Ang tagal na simula noong huling beses syang nanigarilyo. Ginagawa lang nya iyon kapag tensed sya at sobra pa sa tensed ang nararamdaman nya sa mga oras na iyon.

Gusto nyang saktan si Jasmine physically. There are so many horrible things that she wanted to do to her at that moment. Hindi sya makapagisip ng maayos. Anong pwede nyang gawin para hindi masaktan si Daniel?

Ngayon ay nababaliw na sya. Dapat ay masaya sya. Nasa kanya na ang downfall ni Jasmine. Makukuha na nya si Daniel. Pero hindi iyon tama. Masasaktan pa rin ang binata. Nababaliw na sya dahil nag-aalala sya pero anong magagawa nya?

"Nakita mo kami."

Agad nyang nilingon ang nagsalita. Si Jasmine. Walang guilt o takot sa boses nito na para bang balewala dito na nahuli sila.

"Bitch! Whore! Slut!"

Isang sarcastic na tawa ang pinakawalan ni Jasmine. "Those were your labels, Princess."

"How dare you do this to Daniel!"

"Sasabihin mo sa kanya? Ineexpect mong papaniwalaan ka nya? Your words against mine. Kelan ka pa nanalo?"

Nagtangis ang ngipin ni Kathryn. Tama ito. Hindi pa sya nananalo dito pagdating kay Daniel. Lagi nitong kakampihan si Jasmine.

Ngumiti si Jasmine. "Daniel is like a security blanket for me. Nothing can go wrong as long as kasama ko sya. Lagi nya kong poprotektahan at mamahalin. But I get bored sometimes. Sam is Mr. Adventure. Walang dull moment kasama sya. I really like him. So kung ako sayo, mananahimik na lang. Hindi ka rin naman papaniwalaan ni Daniel. I would never admit na I'm having an affair. Wag kang mag-aalala, papakasalan ko pa rin si Daniel."

Pinakalma ni Kathryn ang sarili. Kailangan nyang magisip ng maayos. Hindi nya pwedeng hayaan na manalo sa kanya si Jasmine.

"How much do you like Sam?" Tanong nya kay Jasmine.

"Very much. Sya lang ang hindi agad nag-fall sa kin. Nahirapan akong makuha sya kaya I don't intend to let him go soon."

Ngumiti si Kathryn. "You like him that much para i-risk mo ang security blanket mo? Gusto kong i-try ang bagong toy mo. Pwede ko ba syang mahiram?"

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now