Chapter 13

11.4K 366 87
                                    

Iginala ni Dominic ang mata sa NAIA Terminal 3. Hindi naman nya inaasahang makita doon si Kathryn. Hindi nga alam ng dalaga na dadating sya. Gusto lang nyang maging pamilyar sa lugar. Ito na pala ang itsura ng Maynila. Sinusubukan nyang kontakin si Kathryn for the past 3 days pero hindi nya ito macontact.

Napaka-unusual ito para sa kanya. Hindi nakakatagal si Kathryn ng isang araw ng hindi sya tinatawagan. Kaya naman nag-aalala sya ng husto para sa dalaga. Narelease na ang mga libro nito na may picture sa likod at hindi man lang sya tinawagan nito para sigawan at pagalitan. Something wrong is happening to her. Sigurado sya dito.

Nagbook sya ng kwarto sa isa sa mga 5-star hotel at nagpahinga ng ilang oras bago nya napagpasyahang hanapin si Kathryn. Meron naman syang address nito. Pinakita nya iyon sa taxi driver. Napasipol sya nang makita nya ang mansyon na tinitirahan ng dalaga. Malaki pala ang palasyo ng prinsesa.

Pinindot nya ang doorbell. Maraming tinanong sa kanya ang guard bago pa sya nito papasukin. Pinaghintay sya ng isa sa mga kasambahay sa waiting area para sa mga bisita. Binigyan sya ng chamomile tea habang naghihintay. Makalipas ang 20 minutes ay bumalik ang kasambahay at sinabing ayaw buksan ni Kathryn ang pintuan ng kwarto nito.

"Sigurado ka bang sinabi mong naghihintay sa kanya si Dominic Roque?" Tanong nya dito.

"Opo, Sir. Pero ayaw nyang buksan ang pintuan. Tatlong araw na syang nagkukulong sa loob. Hindi nga din sya humihingi ng pagkain."

"Tatlong araw?!" Sigaw nya. "Bakit wala kayong ginagawa? Baka namatay na sya sa loob ng hindi natin nalalaman!" Galit na galit sya. Hindi man lang ba nagiisip ang mga tao sa bahay na ito?

Ngayon ay talagang nag-aalala na sya.

Parang natakot sa kanya ang kasambahay. "Ganun ho kasi talaga minsan si Senyorita Kathryn. Minsan ho ay nagkukulong ito sa kwarto sa loob ng isang linggo. Magagalit sya kapag inistorbo namin sya."

"Dalhin mo ko sa kwarto nya."

"Pero, Sir..."

"Sabi ko, dalhin mo ko sa kwarto nya!"

Naramdaman siguro ng kasambahay na talagang galit na sya. Wala itong nagawa kundi samahan sya paakyat. Nakalock ang kwarto nito. Kumatok sya ng malakas sa pintuan.

"Kathryn, si Dominic ito. Buksan mo ang pinto."

Limang minuto ang nakalipas pero hindi pa rin ito bumubukas. Hindi rin sumasagot ang dalaga. Lalong tumitindi ang pag-aalala nya. Anong nangyayari sa kanya sa loob?

"Kunin mo ang spare key kundi ay gigibain ko tong pintuan." Galit na utos nya sa kasambahay. Sabi ng instict nya ay may maabutan syang di maganda sa loob.

Inabot ng halos limang minuto bago nakuha ang spare key. Agad nyang binuksan ang pintuan. Nanlaki ang mata nya nang makita si Kathryn na nakahiga sa kama. Namumutla ito na parang wala ng buhay. Nakapikit ito at parang hirap huminga. Nanginginig din ang dalaga. Agad nya itong nilapitan at hinawakan sa noo. Nagaapoy ito sa lagnat. May binubulong din ang dalaga na hindi nya maintindihan. Nagdedeliryo na ito.

Agad syang humarap sa kasambahay. "Anong tinatayo tayo mo dyan? Tawagin mo yung driver ipahanda mo yung kotse!"

Binuhat nya si Kathryn at mabilis na naglakad pababa ng bahay. Dadalhin nya ito sa pinakamalapit na ospital. May lagnat ito sa loob ng tatlong araw at di man lang binigyan ng gamot o pagkain. Magisa ito sa kwarto nya at wala man lang nagabalang icheck ito. Anong klaseng mga tao ang kasama nito sa bahay?

Hinalikan nya sa noo ang dalaga. Mainit pa rin ito. Mabilis na nagddrive ang driver na pakiramdam nya ay lampas na sila sa speed limit. Pero kahit sino ang makakita sa kalagayan ni Kathryn sa mga oras na iyon ay matataranta din.

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now