Chapter 15

12.8K 395 81
                                    

"Sigurado ka bang okay lang?" Tanong ni Dominic kay Kathryn habang nilalagay nya ang mga damit sa closet. Nasa bahay sila ng dalaga at doon muna siya titira pansamantala. Sinabi kasi ni Kathryn na parang tanga naman na maghohotel pa ang binata eh ang laki naman ng bahay nila.

"Oo naman, okay lang. Bahay ko ito."

"Paano ang Mommy mo?"

"Anong meron sa kanya?"

Natahimik na lang ang binata. Gusto na sana ni Kathryn na umalis na sila ng Maynila agad pero sinabihan ito ni Dominic na dapat ay ayusin muna nya ang mga kailangang dokumento tungkol sa mga iniwan sa kanya ng Daddy nya bago sila umalis. Sa gayon ay mas madali na para sa kanya ang mag-move on. At naisip naman nyang tama ang binata. Dapat na nyang i-dispose ang dapat i-dispose para kapag umalis sya, wala ng balikan.

May mga ibang ari-arian pang kailangan nyang maibenta. Minamadali na ng abogado nya ang pagaasikaso para makuha nya ang lahat ng nakalaan para sa kanya ayon sa last will ng Daddy nya. Binebenta din nya ang shares nya sa company ng Daddy nya to her father's wife. Mahal na mahal nya ang Daddy nya pero hindi talaga nya nakikita ang sarili nyang aasenso sa kumpanyang iyon. Wala syang interes sa ganoong business. Hindi nya kayang mabuhay sa routine ng isang businesswoman dahil di nya kayang manatili sa isang opisina sa loob ng walong oras araw araw. Alam naman nyang maiintindihan sya ng ama.

"Aalis muna ko." Paalam ni Kathryn pagkatapos ng ilang sandali.

"San ka pupunta?"

"Kina Tita Carla. Nagtext kasi sya niyaya akong maglunch sa kanila. Di ko naman sya kayang tanggihan."

"Hindi mo ko isasama?"

"Gusto ko sana kaso sabi mo gusto mong matulog maghapon dahil napagod ka sa book launching?"

"Yeah gusto kong matulog til kingdom come. Pero anong gagawin mo kapag nakita mo si Daniel? Sunday ngayon, wala syang pasok sa opisina." Pang-aasar sa kanya ni Dominic.

Inirapan nya ito. "Hindi na ko yung tangang babae na matiyagang naghihintay sa kanyang magustuhan ako. Nag-give up na ko. Pupunta ako dun para kay Tita Carla, hindi para sa kanya. Sinabi ko na sayo diba, magpapakasal tayo. At final na ang decision na yun."

"Oo na, sige na. Go ahead at mag-enjoy ka kasama ang Tita Carla mo."

"Sure." Hinalikan nya ang binata sa pisngi bago lumabas ng kwarto nya.

Nakita nya si Min pagkalabas nya ng kwarto. Nagpatuloy sya sa paglalakad ng hindi ito tinitingnan. Masakit pa rin para sa kanya na hindi sya minahal ng babaeng tinuring nyang ina dahil kahit di pa nya ito tunay na ina ay mahal pa rin nya ito. Ito lang ang nagiisang nanay na kinilala nya simula pagkabata at hindi iyon magbabago.

"I heard na may bisita ka daw." Sabi ni Min na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

"Oo yung fiance ko."

"Interesting...fiance."

"Wala akong oras para dito, may pupuntahan pa ko. Do you mind?"

"Alam kong hindi ako naging isang ina sayo. Pero gusto kitang bigyan ng isang motherly advice for the first and last time. Hindi mo mapipilit ang isang tao na mahalin ka gaya ng pagmamahal mo sa kanya. Be smart and know when to give up and walk away. Naging akin ang Daddy mo dahil matigas ang ulo ko. At sa huli katawan lang nya ang napunta sa kin pero wala ang puso nya. Dahil ang puso nya ay tumitibok lang para kay Carla."

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now