Chapter 17

2.8K 95 0
                                    

Nang umalis siya sa ibabaw nito ay pumihit si Maty palapit sa kanya. Isinubsob ang mukha sa pawisan niyang dibdib, pero mukhang wala naman itong pakialam doon.

A contended sigh escaped her parted lips as her consciousness slowly drips away.

Niyapos niya ito, hinalikan sa noo at hinahaplos ang buhok. Nasa piling na niya si Maty. At sisiguraduhin niyang mananatili ito roon.

Pero para magawa iyon, kailangan niyang malaman ang totoo. Pero sa nagyari sa kanila ngayon ni Maty, imbes na sagot, lalo siyang nalito.
Sigurado siyang walang iba.

Kung gano'n, bakit ipinipilit ni Matilda na si Micky ang tunay na ama ng bata?

Nang masiguradong mahimbing na si Matilda ay bumangon si Leandro. Kinuha ang cellphone at nagdial.
"Chard, may favor ako. Pwede ko bang makuha ang number ni Joan? Importante lang."

*************

INISIP PA NI MATILDA kung nasaan siya nang magmulat ng mga mata. Natilihan siya nang maramdaman ang mainit na hinigang tumatama sa batok niya. Ilang sandali ay nanumbalik ang lahat sa kanya, inabot niya ang cellphone ni Leandro. Alas-kwatro ng hapon, napahaba ang tulog niya.

Dahan-dahan siyang bumangon. Kailangang makaalis siya rito nang hindi nagigising ang lalaki. Kaninang tanghali ay nagising siya sa mga halik nito, na nauwi na naman sa mainit na pagniniig nila.

Mukhang pinaghandaan talaga ng lalaki ang pagcorner sa kanya. May stock ito ng makakain sa kubo. Matapos mananghalian at makapagpahinga ay muli na naman siyang binuhat ng binata pabalik sa kwarto.

Doon niya nasigurado na wala ngang plano ang binata na pauwiin siya ngayong araw. Maging rechargable lamp at electric fan ay may nakalagay sa isang sulok ng kubo.

Ayaw nang isipin ni Matilda kung ilang beses siyang nagpatangay sa binata. Ginusto niya iyon, kusa siyang nagpaubaya. At kung magigising na naman si Leandro, alam niyang handa na naman siyang magpatangay sa binata.

Kailangang samantalahin niya ang mahimbing na pagkakatulog nito. Dahan-dahan siyang nagbihis. Ngunit bago lumabas ng kwarto ay nilingon muna niya si Leandro, pinahid niya ang luhang naglandas sa kanyang mga pisngi.

***************

"Dumating na po kaya si Leandro?" aniya, nakalimang tawag na siya sa dorm ng lalaki. Ginabi na siya sa pag-aantay sa terminal, pero wala pa raw ito sa dorm. Ang katiwala ng dorm ang nakakausap niya sa tuwing natawag siya roon.

"Ay naku, Ne, dumating kanina. Nakalimutan ko ang tungkol sa iyo."

Nakahinga nang maluwag si Matilda. Nag-aalala na siya sa lalaki. Alas-otso na ng gabi at nag-uumpisa na siyang mag-isip na baka may nangyari na rito kaya hindi pa nakakauwi sa dorm.

"Pwede ko po ba siyang makausap?"

"Ayun nga, Ne. Nakalimutan kong sabihing may naghahanap sa kanya. Sumaglit lang dito. Ang sabi sa akin ay kukuha lang daw ng damit at may pupuntahan daw sila si Cheenie."

Biglang parang piniga ang puso ni Matilda. Gusto na niyang umiyak, pero pinigil niya ang sarili. Baka naman gagawa lang ng project ang dalawa, alo niya sa sarili. Biyernes na, bukas ay wala itong pasok. Tiyak nasa dorm lang ito.

"Pwede po bang pumunta ako diyan? Diyan ko na lang po siya aantayin."

"Hindi kami nagpapapasok ng bisita rito na hindi namin naconfirm sa border na bisita nga nila iyon. At isa pa, hindi kami natanggap ng bisitang babae na dito pa magpapalipas ng gabi. Pasensya ka na, Ne."

Pumatak na ang luha ni Matilda pero agad niya iyong pinahid. Hindi siya dapat umiyak. Bukas naman ay tiyak na magkakasama na sila ni Leandro.

"Sige po. Pakisabi na lang po sa kanya na tumawag po ako. Pakibilin din po na aantayin ko siya dito sa terminal ng bus sa Legarda. Salamat po," ibinaba na niya ang telepono.

Naglakad siyang pabalik sa hilera ng bangko. Doon siya magpapalipas ng gabi. Wala naman siyang ibang mapupuntahan, tanging doon lang. Dahil sa pagod sa biyahe at sa sakit ng katawan dahil sa inabot na pananakit mula sa tiyahin ay nakatulog si Matilda.

Nang magising kinaumagahan, ang bag niya ay wala na. Hindi rin masabi ng mga gwardiya kung sino ang kumuha.

Gusto nang umiyak ni Matilda, pero nagpakatatag siya. Alam niyang susunduin siya ni Leandro. Hindi siya matitiis ng lalaki. Pero umabot na ang tanghali ay wala pa ni anino ni Leandro. At nang sumapit ang ikalawang gabi ay tinanggap na niyang hindi na siya susunduin doon ng binata. Nakaalis na ang huling trip pabalik ng Infanta, wala siyang pagpipilian kundi magpalipas na naman ng gabi sa terminal.

Awang-awa si Matilda sa sarili. Literal siyang batang yagit. Walang matatawag na pamilya. Walang ibang damit. Walang tirahan. Wala ring pera. Ang huling maayos na kain niya ay kagabi pa. Kaninang umaga ay pinagtiyagaan niyang tipirin ang tinapay at tubig na ibinigay ng guard na duty kagabi bago ito umuwi kanina. At sa kasaang palad, ubos na rin ang bottled water niya.

Pero kinaumagahan ay nabuhayan siya ng loob nang makita sa isang magbabasura ang backpack niya. Ayon dito ay napulot nito iyon sa basurahan sa kabilang bahagi ng tulay. Dali-daling siyang naglakad papunta doon. Pero nanlumo si Matilda nang makitang nakakalat sa basurahan ang mga lumang damit niya. Ang maagos na damit ay wala na, ang naroon ay ang mga dahit na halos lumang-luma na. Pero hindi naman talagang ang damit ang dahilan ng panlulumo niya. Ang mahalaga, makuha niya ang papel kung saan nakasulat ang number ni Kuya Richard.

Pero wala ni anino ng papel na hinahanap niya.

Laglag ang balikat ay lumakad siya pabalik sa terminal. Ang mga luhang pinipigilan niya pagdating sa Maynila ay hindi niya napigilan. Wala siyang pakialam kahit pinagtitinginan siya ng mga nagdaraang sasakyan. Iiyak siya. Ilalabas niya sa huling pagkakataon ang lahat ng sakit na nararamdan.

Umasa siya. Sabi ni Leandro mahal siya nito. Sabi ni Kuya Richard, hiwalay na raw ito at si Cheenie. Pero bakit ganito ang nangyari?

Ha! Kung akala ng mga ito na susuko siya, nagkakamali ang mga ito. Hindi siya papayag. Magtatagumpay siya sa buhay! At gagawin niya iyon hindi para maghiganti, gagawin niyang hamon sa kakayahan niya ang nangyari ngayon. Patutunayan niya sa sarili na malakas siya, matatag, na nagkamali ang mga tao sa paghusga sa kanya. Makikita ng mga ito. Mapagtatagumpayan niya lahat ng pagsubok.

At ito ang simula ng kanyang pagbabago, ng kanyang pagbango.

Nanlalabo ang kanyang mga mata dala ng luha, hindi na rin siya makahinga dahil sa pagbabara ng ilong. Humarap siya sa railings, kumapit doon at yumuko.

"Miss, miss! Sandali! Okay ka lang?"

"Tanga ka ba? Tingnan mo akong mabuti, saka mo sabihin, may okay bang gan'to ang itsura?"

Muling humarap sa railings si Matilda at kumapit doon. Pero napahawak siya sa tiyan nang tumunog iyon.

"Sandali, Miss. Kung gusto mo, sumama ka muna sa akin. Kumain muna tayo. Doon natin pag-usapan kung ano man ang problema mo. Who knows, baka makatulong ako."

Gamit ang manggas ay pinunasan ni Matilda ang mga luha at muling humarap sa lalaki.

"Pagkain? Sige, tara," dala ng gutom ay hindi na niya naintindihan ang ibang sinabi ng lalaki. Nang marining ang salitang "pagkain" ay nastock na roon ang isip ni Matilda.

At saka mukha naman itong mabait. Sasama na siya. Tutal, malamang sa malamang, sa sitwasyon niya ngayon, sa ilalim ng estero ang patak niya.

My Trending Affair (R-18 / PUBLISHED @ Ebookware)Where stories live. Discover now