Chapter 2

3.9K 166 3
                                    

Author's Note:

Ang manuscript na ito is under Desire-Uncut category sa My Special Valentine / Bookware.

Meaning, the story contains mature scenes. Please be guided po.

End note.

************

Naupo si Matilda sa ikatlong baitang ng hagdanan ng kubo ni Tatang Imo, isinandal niya ang ulo sa pintuan at pumikit. Magpapahinga muna siyang saglit bago bumalik sa bahay.

Ikalawang araw pa lang niya sa probinsiya. At dahil wala pa naman ang inaantay niya, naglibot muna siya sa nabiling lupain. Sakop noon ang kubo ng dating katiwala ng mga Acuzar, si Tatang Imo. Nasa dulong bahagi na iyon ng lupain ng mga Acuzar, malapit sa boundary ng lupang pag-aari ng mga Advento.

Dati ay doon nakatira ang pamilya ng matanda. Pero dahil sa matapat na paninilbihan nito sa pamilya Acuzar ay binilhan ito ng lote at ipinagpatayo ng bahay sa bayan.

Maayos pa rin ang kundisyon ng kubo. Nasisigurado niyang hanggang ngayon ay madalas pa ring may napasyal sa lugar na iyon. Hawan ang paligid, at mukhang bagong barnis ang sasag na dingding. Mukhang maging ang bubong na pawid ay bagong palit din. Pero duda siyang ang mga Acuzar ang gumastos sa pagmimintina ng kubo.

Nagmigrate na ang mga Acuzar sa USA kaya ibinenta na ang mga ari-arian. Maswerte siyang nasabi kaagad ni Helen ang tungkol doon, at dahil may pera siya sa bangko, nabili niya kaagad iyon.

Cash.

Sinong mag-aakalang ang isang katulad niyang muntik nang mamalimos sa Maynila, para may maipambili ng tubig, ay nakabili na ngayon ng ekta-ektaryang lupa?
At ngayon ay pag-aari na niya ang kubong ito, na hindi pa niya alam ang dapat gawin.

Ang kubo ang naging piping saksi sa lahat ng masasayang sandali niya sa piling ni Leandro. Pero ang kubong ito rin ang paalala-ala ng kabaliwan niya dahil sa pag-ibig.

"Leandro, natatakot ako," ani Matilda, naiwan siya sa baba ng kubo habang ang lalaki ay binubuksan iyon.

"Ako ang kasama mo, bakit ka matatakot?" Nabuksan na nito ang kubo, bumaba at hinawakan ang magkabilang pisngi niya, tiningnan siya nito sa mga mata.

"Paano kung may makakita sa atin?"

"E ano naman kung may makakita sa atin? Lagi naman nila tayong nakikitang magkasama sa palengke. Lagi mo akong kasama sa stall n'yo, anong bago roon?"

"E kasi....," ninenerbiyos si Matilda, parang gusto na niyang umurong.

"Ikinahihiya mo bang makita nila na magkasama tayo?"

"Hindi ganoon, Leandro. Mahal kita, alam mo ‘yan. Sasama ba ako sa’yo rito kung hindi. Kaya lang..."

"Walang kaya lang. Mahal kita, mahal mo ako. Bakit hahayaan mo na maapektuhan ka sa sasabihin ng iba. Tayong dalawa ang isipin mo."

"Paano kung.... paano kung......" napayuko si Matilda sa magkasalikop na kamay niya.

Itinaas ni Leandro ang kanyang mukha, "Handa akong panagutan ka, Matilda. Papakasalan kita sa lahat ng simbahan na gusto mo," anito, hinalikan ang tungki ng ilong niya.

"Talaga?" kinagat niya ang labi, naroon pa rin ang pag-aalinlangan.

"Talagang-talaga. Mahal kita, Maty."
Huminga nang malalim si Matilda, tumingin siya sa mga mata nito, pero pumukit siya kaagad nang maglapat ang mga labi nila.

Bahala na si Batman.

Iyon ang huling naisip niya bago tuluyang nagpatangay sa mainit na halik ng binata. Kumapit siya nang mahigpit sa batok nito nang maramdaman niya ang pag-angat ng katawan sa lupa. Nakikipagpaligsahan ang lakas ng tibok ng puso niya sa tunog ng kawayang hagdan habang naakyat doon ang binata. 

My Trending Affair (R-18 / PUBLISHED @ Ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon