Chapter 10

3K 132 14
                                    

"Bruha ka, kanina tungkol sa yayamaning nakabuntis sa iyo ang tsismis sa bayan. Ngayon, lahat nagtatanungan kung sino daw ba talaga ang totoong ama ng anak mo. Trending ka, town wide na! At hindi ako magtataka kung bukas-makalawa, province wide na!"

"Helen naman!"

"Hoy! Kahit ako, gusto kong gawa-gawa ko lang ang sinasabi ko. Kaso, hindi. At babae, hindi lang ikaw ang pinag-iinteresan ng mga tao, interesado na rin sila sa anak mo," bumuntong-hininga si Helen, ipinatong sa kitchen counter ang mga prutas na dala.

Pagkatapos sabihin iyon ni Leandro ay binuhat niya si Forth. Mas mataas si Forth sa karaniwang pitong-taong gulang na bata, at kung paano niya mabuhat ang anak ay hindi rin niya alam. Adrenaline siguro. Basta ang nasa isip lang niya kanina, kailangan niyang ilayo ang bata roon, sa lalong madaling panahon.

Kaya sila nandito ay para ilayo ang bata sa gulo sa Maynila. Kahit sandali lang. Pero mas malaking gulo pala ang mapapasukan niya rito. Hindi niya inakalang si Leandro pa ang magdadala noon. Tiyak na mapapagalitan siya ni Micky kapag nalaman nito ang nangyari. Bilin nito na hangga't maaari ay wag palabasin ang bata sa bahay para maiwasang makatawag ng atensyon ng mga tao. Kahit na ba alam niyang ligtas sila rito, iba pa rin ang nag-iingat. Pero akalain ba naman niyang ganoon ang mangyayari?

"Akala ko ba nasa clinic si Leandro ng gano'ng oras?" nanghihina siyang napaupo sa stool, nakahawak ang dalawang kamay sa ulo. Kanina pa nasakit iyon pagkabalik nila sa bahay.

Isang oras pa lang silang nakakauwi ay kasunod na niya si Helen. Kalat na raw sa bayan ang tungkol sa pagbabalik niya at sa anak nila ni Leandro. Iniwan muna ni Helen ang stall sa mga tauhan, at sumunod sa kanya para itanong ang nangyari.

"Aba, malay kong iiwanan niya ang mga pasyente niya nang malamang lumabas ka sa lungga mo," ani Helen, rinig ni Matilda ang kaluskos ng plastic at pagbukas ng gripo.

"Isang linggo ka na noong hinahunting sa akin. Pati si Richard laging nagtatanong. Pati tungkol kay Micky, tinatanong nila ako."

"Anong sabi mo?" tumunhay siya, inabot ang supot ng mansanas, wala sa sariling inilabas ang mga iyon at ihinanay sa harapan niya. Force of habit. Ganoon siya kapag labis ang tensyon.

"Anong sasabihin ko? E, wala naman ako sa posisyon na magkwento tungkol sa buhay mo. Ikaw lang ang may karapatan noon," tumalungko si Helen sa harapan niya, ipinatong ang platito na may bagong hugas na grapes.

Wala sa sariling kumuha si Matilda at isinubo iyon.

Napatawa ang kaibigan niya, "Akala ko ba nagbago ka na? O, eh bakit ngayon, tiklop ka na kaagad kay Leandro?"

Hindi niya sinabi sa kaibigan ang tungkol sa pagkikita nila ni Leandro sa kubo ni Tatang Imo at ang nangyari sa beach. Nahihiya siyang aminin dito na hanggang ngayon, sa isang halik lang, napasuko na kaagad siya ni Leandro. Muling nabuhay ang emosyong akala niya ay matagal na niyang naibaon sa limot.

"Wag mo akong tawanan. Nasakit na nga ang ulo ko dahil sa loko-lokong iyon. I-announce daw ba sa buong bayan ang pagpunta amin sa kubo! Masasakal ko ‘yong lalaking 'yon! Wag na wag s'yang magkakamaling magpakita sa akin."

"Akala ko ba, hindi ka na apektado kay Leandro?" nanunudyong tanong ni Helen.

"Hindi na nga! Kaso, ang loko-lokong iyon, ipinahiya ako sa harap nang maraming tao! Anong ihaharap kong mukha sa mga tao ngayon?"

"Eh di, iyan. Ang mukhang bumighani sa akin, noon pa man,"  ani Leandro. Ipinatong sa kitchen counter ang mga groceries na naiwan nila kanina, "Bakit ba ikinahihiya mo ang nangyari noon? Ako, proud ako!"

"Alis na muna ako, Maty," ani Helen na ngiting-ngiti.

"Sinong nagpapasok sa iyo rito?" aniya, bumaba sa stool at tiningnan nang masama ang lalaki.

Nagkibit-balikat ito, "Nakalimutan n'yo ang mga ito. Susunod sana ako kaagad, kaso, may mga pasyente pa akong naiwan sa clinic kaya natagalan pa ako."

"Wala akong pakialam. At okay lang kahit hindi mo dinala iyan," pinabalik niya si Joan sa palengke. Ito na ang inutusan niyang mamili, si Forth naman ay nasa movie room.

"Anong kakainin ng anak ko? Naiwan n'yo ang cereals niya."

Gusto niyang sumigaw at sakalin ang lalaki, pero bibigyan lang niya ito ng kasiyahan kapag ginagawa niya iyon. Pumikit na lang si Matilda, nagbilang siya sa isip, hanggang sampo, dahan-dahan. Sinasabayan niya ng inhale-exhale ang bawat bilang.

Kailangan niyang maging kalmante, kung hindi maibabato niya sa lalaki ang lahat ng mansanas na nakahanay sa harapan niya.

Matapos bumilang ng sampo ay huminga siya nang malalim bago nagmulat ng mata. Pero nahigit niya ang hininga dahil gadali na lang ang pagitan ng mga labi nila ni Leandro.

"Mula noon, hanggang ngayon, natutuwa ako kapag nagagalit ka. Namumula ang pisngi mo, pati ang mga tainga," inipit nito ang buhok sa likod ng tainga niya.

"At gustong-gusto kong ginagalit ka, kasi ang kasunod noon, lalambingin na kita," bulong nito sa mismong tapat ng mga labi niya bago siya siniil ng halik.

My Trending Affair (R-18 / PUBLISHED @ Ebookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon