Epilogue

546 19 2
                                    

Epilogue

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan ko na masayang naglalaro ng habulan na parang mga bata. Kanina pa sila naglalaro pero parang hindi man lang nakakaramdam ng pagod. Ilang ulit na din nila ako inaya na sumali pero tumangi ako.

Mas gusto ko ang ganito ang pinapanood sila. Si Lucas ang nanlibre sa outing na ito bihira lang siya manlibre kaya naman hindi ito pinalampas nila Bea at Yuna.

Inabot ko ang dalandan juice na nasa tagiliran ko lang at sinimsim iyon.

Atleast kahit saglit nakaramdam ako ng kapayapaan. Alam ko naman na kaya nila ako dinala dito ay para malibang.

"Fau!"

Napatingin ako kay Lucas na nakapameywang pa.

"Volleyball?" Tanong pa niya pero umiling ako.

"Gutom ka na ba?" Tanong naman ni Yuna.

"Hindi pa sige laro lang kayo!" Sigaw ko pa at hinayaan lang nila ako na nakaupo sa bench. Pero naglakad naman palapit sa akin si Bea.

"Ngayon okay lang na umayaw ka sa mga offer namin pero mamayang gabi 'wag kang kj ha." bungad niya ng makalapit agad sa akin.

"Kj agad? Hindi ba pwede ganito ang way ko ng pagrerelax."

Seryoso naman niya ako tinitigan kaya umiwas ako ng tingin.

"Fau, alam namin na hindi ka pa okay. Pero sana tulungan mo rin ang sarili mo. Hindi pwede na ma-stuck ka na lang sa kahapon. Sabi nga nila ang problema dinadaanan hindi tinatambayan."

Natahimik naman ako at hindi ko na lang siya pinansin nakakapagod mag explain.

"Fau."

"Ano ba gusto mo marinig Bea?" Naiinis na ako gusto ko lang naman mag relax bakit kailangan ipaalala pa sa akin.

"Yung kay Damon. Hindi mo pa rin matangap ang tungkol sa kaniya."

Napatayo ako at tinignan siya ng masama.

"Bakit? May ideya ka ba kung ano pakiramdam ko ngayon?"

Natahimik naman siya at nagiwas ng tingin. Alam ko na gusto lang niya ako tulungan, sila na mga kaibigan ko na hindi ako iniwan sa mga oras na nalulungkot ako pero ayoko ipilit sa akin na kailangan ko makalimot na para bang may deadline.

Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanya. Ang ayoko sa lahat ang magkasamaan pa kami ng loob. Sila na nga lang ang natitira sa akin magaaway pa ba kami? Masama lang ang loob ko pero lilipas din ito. Hindi nga lang agad agad. Mataas ang sikat ng araw pero wala na akong pakealam sa balat ko, nakapagpahid naman ako ng sunblock.

May mga iilan din ang naglalakad pero ang karamihan ay nakasilong sa mga cottage. Maganda ang resort na napuntahan namin bukod sa malinis ay maganda din ang tanawin.

Lumapit ako sa dagat at itinapak ang mga paa ko sa alon.

"Hello."

Natigilan ako at hindi makagalaw ng marinig ko ang boses na 'yon. Magtataka pa ba ako hindi malabo na malaman niya na andito kami ngayon. Marahan ako lumingon at inirapan siya.

"Ang taray, hindi naman ikaw ipinunta ko dito."

"Alam ko. Bakit hindi si Yuna ang puntahan mo."

Napakamot naman siya sa batok.

"Pinapakamusta ka kasi sa akin." Nagaalangan na sabi niya.

"Inutos pa niya?" Nakakainis at talagang ipinadaan pa kay Rozo.

Nagsimula ako maglakad palayo kay Rozo.

"Hey! Grabe naguusap pa tayo!"

"Puntahan mo na si Yuna at 'wag ako ang guluhin mo."

Unmasking DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon