Chapter Fifteen: So it's you

492 26 1
                                    

Chapter Fifteen: So it's you

Mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Iba talaga pag may napagsabihan ka ng kinikimkim mo.

"Nangingiti ka dyan?" sita ni Yuna sa akin. At tulad ng dati dito na naman siya tumambay sa kuwarto ko habang nanonood kami ng movie sa laptop niya.

May pasok si Bea at busy naman si Lucas sa kung anong bagay.

"May naalala lang." balewalang sabi ko habang tinikman ko ang Nachos na gawa niya.

"Kayo na nung Raxel?"

"Hindi ah!"

"Defensive masiyado." kibit balikat na sagot niya.

"Wala tayong drinks?" tanong ko sa kaniya.

"Wala budget eh, tubig na lang."

"Kuripot, ako na bibili ano gusto mo?" hinablot ko ang coin purse ko at nagsimulang suotin ang tsinelas.

"Bili mo na lang ako C2, ikaw ano ba iinumin mo?"

" Viette latte ng Great taste."

"Sige isa din nun, pause ko ito ah!"

Tumango lang ako at lumabas na ng kuwarto. Malapit lang naman ang convenience store sa boarding house kaya walang problema. 

Binabalot na ng kahera ang binili ko ng may mahagip ako sa kabilang kalye sa labas ng convenience store, Inaninag ko pa ito dahil baka nagkakamali ako.

"Ate balikan ko lang yan ha." tumango lang ang kahera at  tumakbo na ako palabas.

Nakababa ang salamin ng sasakyan at nakahawak lang siya sa steering wheel, hindi siya nakatingin sa gawi ko at tulad ng dati ay nakamaskara siya. Tumawid ako at agad na lumapit sa sasakyan, agad naman siyang tumingin sa gawi ko.

Nakonpirma ko kung sino siya.

"Sino ka? Hindi ikaw si Damon."

Tinangal niya ang maskara at ngumisi sa akin.

"Nakakatawa ka alam mo ba 'yun?" biglang sabi niya. "You know that I'm not Damon but you can't even recognized who he is. Tanga ka ba o nagtatanga tangahan?"

Nagulat ako sa klase ng pananalita niya kung titignan siya sa malayuan hindi sila nagkakalayo ni Damon. Pero may kakaiba sa kislap ng mga mata niya.

"Sino ka ba?"

"Gusto mo malaman?"

Tumango ako.

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan niya.

"Get in."

Nagaalangan ako pero pumasok na lang ako para matapos na ang agam agan ko. Tsaka nya pinaharurot ang sasakyan niya. Ni hindi ko pa nga nakakabit ang seat belt.

"Teka! Bagalan mo naman!" singhal ko sa kanya. Nakangisi siyang tumingin sa akin.

"I want it fast, para matapos na ang dapat matapos." sagot naman niya

Hindi na ako sumagot at tahimik lang siya buong biyahe at hindi ko rin naman siya kinakausap. Huminto ang sasakyan niya sa isang malaking building, pamilyar ang lugar.

"Makati..." naibulong ko.

Tinangal na niya ang seat belt niya at lumabas, sumunod naman ako agad.

Diretso siyang pumasok ng building, hindi siya hinarang ng guard o tinanong man lang ganoon din sa akin dahil nakita nila na kasunod niya ako.

Sumakay siya ng elevator at sumunod din ako. Kung kumilos siya aakalain mo na walang siyang kasama hindi man lang kasi niya ako nilingon.

Nang makalabas kami sa elevator dumiretso siya sa isang pinto at may itinapat na kung ano sa gilid. Doon pa lang niya ako tinignan at niyayang pumasok sa loob.

Unmasking DamonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum