Chapter Four: Newly Hired

673 35 6
                                    

Chapter Four

Newly Hired

Hindi na ako magkandaugaga sa mga reports ko na kailangan ko ng tapusin ngayon. Ang sakit na nga ng mata ko sa monitoring, tapos sasakit pa yung kamay ko sa pagtatype.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil hindi na ako ginugulo ni Damon. Wala ng pagkain at regalo na dinideliver sa boarding house. Hindi na rin sya nagtetext.

'Di ba yun naman ang gusto ko.

Pero bakit ganoon? Parang may kulang.

"Girl, tapos ka na?" tanong ni Kim sa akin.

"Hindi pa." napabuntong hininga ako. I hate rush. Bakit naman kasi tatlong araw na palugit lang ang binigay sa amin.

"I give up. Masakit na kamay ko Kim." pinakita ko kay Kim ang nanginginig ko na daliri.

Natawa naman sya.

"Eh, di sabihin natin ang totoo. Kulang ang tatlong araw girl."

"Ano yung narinig ko?" singit ni Brandon. Kalalakeng tao chismoso.

"Ewan ko sa'yo! Chismoso." singhal ko sa kanya.

"Pfft.. alam nyo na ba ang balita? May bagong hired sa team natin."

Sakto naman bumukas ang Glass door at iniluwa nito ang boss namin na si sir Harold.

Napabalikwas kaming lahat. Kahit ako ay biglang nataranta. Aba! once in a blue moon lang pumunta dito ang boss namin. Isa pa may team leader naman na siyang nagrereport sa kanya.

"Good afternoon everyone," bati sa amin lahat ni sir Harold.

"Good Afternoon sir." halos sabay sabay na sabi namin.

"I would like to welcome your new team member for security team." tumingin sya sa labas ng pinto sumenyas na pumasok ang sino man na andoon.

Halos walang nagsasalita sa amin. Anim kaming nasa loob ng opisina na iyon. Glass wall lang din ang nagdidivide sa iba pang department. Dahil kalahating frosted ang glass door may mangilan ngilan sa labas ang tumitingin.

Pumasok naman ang tinawag ni sir at natahimik kaming lahat sa lalakeng pumasok.

Nakaitim na polo sya at gray na pantalon. His hair was messy pero bumagay sa kanya. Nakasalamin at nakapamulsa rin ito na akala mo ay boss.

"Good Afternoon." tipid na sabi nya.

Hindi ko mapigilan hindi humanga dahil may itsura naman sya.

"This is Raxel Daveson. He is your new team member." tumingin si sir kay Brandon. "Brandon, show Raxel his cubicle and his laptop, isama nyo na rin sya sa cycle ng schedule this coming week." tumango lang si Brandon.

After nun ay umalis na si sir Harold na parang wala lang. Wow, usually HR staff ang nagpapakilala sa bago. Pero si sir Harold pa mismo ang nagpakilala sa kanya.

"Hi! Dude! Welcome to Security Team of Macro Industries!" masayang bati ni Brandon may sinabi pa syang iba pero hindi ko maintindihan nakatingin lang ako kay Raxel.

There's something strange while looking at him.

Malalim syang nakatitig sa akin. Pero agad din nagiwas ng tingin.

Ano yun? Bakit ganoon sya makatingin.

"At sya naman si Faustina Natividad." napatingin ako kay Brandon ng magsalita. Pustpa! Binangit nya ng buo ang pangalan ko.

Tatawa-tawa naman si Brandon. Habang seryoso si Raxel.

"Hi," tipid ko na sabi. Tumango lang si Raxel. Ipinakilala pa sya ni Brandon sa iba namin kakilala. At nagulat ako sa ipinakita nya dahil nakangiti sya sa mga ito. Samantalang nang ako ang ipinakilala wala man lang syang reaksyon.

Unmasking DamonWhere stories live. Discover now