Chapter Twelve: Not Him

506 31 1
                                    

Chapter Twelve: Not Him

"Hindi maka move on Fau?" tanong sa akin Kim.

Apat na araw na ang nakalipas ng matapos ang seminar. Sa apat na araw na iyon naging mailap si Raxel sa akin. Busy naman siya kaya okay lang naman, ako din naman ay busy na din. Ang nakakainis lang itong si Kim tsinismis na type ako ni Raxel.

"Traidor ka kasi!"

Natawa naman si Kim sa sinabi ko.

"Ito naman! Eh! sa bagay nga kayo ni Raxel."

"Ewan ko sa'yo!"

"Fau naman eh! Kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh! Obvious naman na type ka ng lalake ayaw mo pa." nakairap na sabi niya.

"Kayo lang ang nagpu-push niyan. Tinanong niyo ba si Raxel kung gusto niya ako?"

Ngumisi naman sa akin si Kim. Tsaka ko lang napagtanto kung ano yung sinabi ko.

"Gusto mo tanungin ko?"

"Baliw!"

Humalakhak naman ang isa.

"Highschool lang Fau? Pag may gusto ko malaman diretsahin na!"

Huminga naman ako ng malalim bago sagutin si Kim.

"Okay. Tatanungin ko si Raxel."

Halos mapatalon naman si Kim sa kinauupuan niya. Buti na lang at wala si Raxel sa loob ng department, nasa field siya at kailangan niya mag check ng server.

"Ayie! Text mo na lang kaya."

"Ayoko personal ko siyang tatanungin."

"Wow! That's the spirit girl."

Ewan ko ba pero gusto rin diretsahin na si Raxel. Hapon na ng dumating si Raxel kasama si Brandon. Agad naman ako lumapit kay Raxel.

"Raxel."

Gulat naman siya na napatingin sa akin. Inayos pa niya ang salamin niya.

"B-bakit." umiwas naman siya at tumutok sa laptop na nasa harapan niya.

Lumingon naman ako sa paligid at karamihan ay busy. Maliban kay Kim na busy kuno pero tumitingin tingin sa gawi namin at ngumingiti. Huminga muna ako ng malalim bago nagtanong kay Raxel.

"May gusto ka ba sa akin?"

Natigilan siya sa pag tipa ng laptop niya.

"Inaasar ka kasi nila lagi sa akin. Ayos lang naman kung wala atleast sabihin mo na lang ang totoo para hindi nag aasume ang iba." Ano ba itong pinagsasabi ko bahala na nga.

Tumingin si Raxel sa gawi ko. Tutok na tutok ang mata niya sa akin. Nakipagtitigan din ako pero ako ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi ko na kasi kaya tignan yung mga mata niya.

Nameywang ako at bagot na tinapik ang paa sa sahig.

"Ano na?"

"Oo, gusto kita."

Natigilan ako sa ginagawa ko.

"Gusto kita matagal na. Kaso hindi ko alam kung gusto mo ba ang tulad ko."

Ano daw? Hindi ako nakakilos sa sinabi niya. Hindi ko alam na didiretsahin din niya ako.

"Pwede ba kitang ligawan?"

Dyos ko! Gusto ko bumalik sa pwesto ko pero hindi ko maigalaw ang paa ko.

"A-ano?"

"Forget what I've said." biglang sabi niya. So? Nagbibiro lang siya?

Unmasking DamonWhere stories live. Discover now