Chapter Three: Visitor

791 37 1
                                    

Chapter Three

Visitor

Dalawang linggo na ang nakalipas nang huli ko makita si Damon. Ang loko loko, text ng text at padala pa rin ng padala ng kung ano ano.

Andoon yung sasabihin nya na miss na miss nya na ako at gusto akong makita. Hindi ko alam pero may kung ano akong nararamdaman.

Ano kaya itsura nya?

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit nakatakip ang mukha nya. Mukha naman syang gwapo at hindi panget. Pero gusto ko makita ng buo ang mukha nya.

Kasalukuyan ko ginagawa ang trabaho ko. Sa sobrang dami naiuuwi ko na ang iba, para naman hindi ako mag over time sa office.

Nakarinig naman ako ng mahinang pagkatok sa pintuan ko. I rolled my eyes, sila lang naman ang nangugulo sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito sabay walang lingon na bumalik ako sa lamesa ko.

"Fau..." sabay na sabi ni Yuna at Beatrice.

"Ano na naman ang kailangan nyo?" mataray ko na tanong.

"Sorry na kasi Fau, hindi ka na kasi namin nakita ni Bea." nakayukong sabi ni Yuna.

"Akala namin Fau kakain lang kayo sa kung saan." dugtong pa ni Bea.

"Ewan ko sa inyo! Akala ko pa naman friends ko kayo." pag iinarte ko.

"Kaya nga nagsosorry na kami. Eto dinalhan ka namin ng paborito mong lumpiang sariwa ng Goldilocks. Peace na tayo lagi mo na lang kami sinusungitan." nakangusong sabi ni Yuna.

"Hmp! Sige na! May choice pa ba ako eh," magkasabay naman nila ako niyakap. Mga lokaret talaga.

"Pero saan kayo nagpunta ni Damon after nun?" tanong ni Bea

Sabi ko na nga ba at magtatanong sila pero hindi ko sasabihin ang totoo. Chismosa pa naman ng dalawang ito.

"Sinuko mo na ba Fau? Akala ko ba againts ka sa pre marital sex?" namamangha na sabi ni Yuna.

"Judgmental nyo! Anong sinuko? Kumain lang kami sa restaurant. Trineat nya lang ako."

"Ano pala itsura nya? Tsaka bakit may maskara sya? Anong trabaho nya rider?" tanong uli ni Bea.

"Hmm... Actually hindi nya nasabi kung anong trabaho nya. Tsaka yung maskara hindi nya tinangal eh for the entire time na magkausap kami."

Tinitigan naman ako ng dalawa na parang hindi naniniwala.

"Weh?" sabi ni Yuna na inirapan pa ako.

"Oo, nga ewan ko may virus ata sya."

"Talaga? Dinala ka nya sa restaurant di ba? Paano sya kumain?"

Peste! Naman oh ang galing talaga ng dalawang ito.

"Ako lang kumain. Busog daw sya diet kaya ako lang pinakain nya." pagdadahilan ko pa.

"Naku! Fau. Liars go to hell." bulong ni Bea sa akin. Pinalo ko naman sya sa braso nya.

"Okay, ano naman pinagusapan nyo?" tanong ni Yuna.

"Sabi ko sa kanya lubayan na nya ako. Itigil na nya ang pagpapadala ng kung ano ano sa akin." ipinagtuloy ko ang pagtatype sa akin laptop.

"Bakit mo naman pinahinto. Sayang yung pinapadala nya."

"Ayoko syang umasa. Love life is not my priority." totoo naman, tsaka it's too good too be true. Hindi nga nya sinabi kung saan nya ako nakilala at saan nakuha ang number ko.

"Isa pa mas matanda ako sa kanya ng pitong taon."

Nagkatiningan si Bea at Yuna.

"Anong problema dun? Loves know no boundary. Ang importante mahal nyo ang isa't-isa." namumungay pa ang mata ni Yuna na akala mo nananaginip.

Unmasking DamonWhere stories live. Discover now