Chapter Sixteen: The Boy

491 25 5
                                    

Chapter Sixteen: The Boy


"Fau." lumingon ako kay Kim na lumapit sa akin.

"Bakit?"

"Kausapin mo naman si Raxel."

Tumaas ang kilay ko.

"Kailan ka pa naging spoke person?"

"Well... ngayon ngayon lang... ano ba kasi problema niyo?" tumikhim si Kim bago nagsalita uli. "Ayaw ko makealam pero baka gusto mo magbigay kahit kaunting hint bakit war kayo?"

Napandin na din ni Kim na umiiwas ako kay Raxel at hindi ko ito pinapansin.

"Huwag mo na alamin Kim, sasabihin ko din pero hindi ngayon."

Malungkot na tumango si Kim at bumalik sa pwesto niya. Hindi ko namna nagawang tumingin sa gawinni Raxel. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin maintindihan bakit niya nagawa 'yun.

Si Damon at Raxel ay iisa.

Pero hindi ko malaman bakit kailangan niya magpangap. Para saan? Nakaaway ko ba siya dati?

Pero ang tanong makakaya ko pa ba aiyang kausapin pagkatapos ng nangyari. Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho magre-resign na ako.

Pilit ko man gawing busy ang sarili ko hindi ko magawa. Lalo na at iisa lang ang kwarto kung nasaan naroon si Raxel.

~•~

"Fau..."

Hindi ako lumingon ng marinig ko ang boses na iyon. Nasa waiting shed ako at nagaantay ng taxi, wala na kasi akong load kaya hindi ako makapag uber.

"Let's talk." mababang boses na sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi mo ba ako titigilan ha!" singhal ko sa kaniya.

"Atleast let me explain kahit ito na nag huli." pagmamakaawa pa niya.

Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya. Huli? huling beses na maguusap kami?

Marahan ako tumango.

"S-sa parking andoon ang kotse ko." sabi niya, wala sa loob na sumunod ako sa kaniya habang pinapanatili ang distansya namin.

Nang makarating kami doon ay agad niya ako pinagbuksan ng sasakyan. Umupo na ako agad at ganoon din naman siya.

"Dito mo na sabihin."

"Ha?" nagtataka siyang lumingon sa akin.

"Sabi ko dito mo na sabihin kung ano ang sasabihin mo." umiwas ako ng tingin sa kaniya at itinuon ang mata ko sa labas habang iniistart niya ang sasakyan.

"Okay... ihahatid na lang kita."

"Bahala ka" at umandar na ang sasakyan.

"Yung tungkol sa pagpapangap ko..."

"Diretsuhin mo ako Raxel ayoko ng paligoy ligoy."

"It's not my intention to pretend. It's... it's part of my job."

"Job?" tumaas ang kilay ko na napalingon sa kaniya. "Anong job iisa lang tayo ng kumpanya at hindi kasama sa job description ang magpangap at manloko ng kapwa."

"No, I mean my other job."

"Anong other job?" nagtatakang tanong ko. Huminto ang sasakyan dahil sa stoplight, hindi naman lumilingon sa akin si Raxel.

"Hindi ko pwedeng sabihin." malungkot na sabi niya.

"Ano pa aasahan ko sa'yo naloko mo nga ako aasa pa ba ako na sasabihin mo ang totoo." lumamlam ang mata ni Raxel at alam ko na nasaktan siya sa sinabi ko.

Unmasking DamonWhere stories live. Discover now