Chapter Ten: Why?

540 30 5
                                    

Chapter Ten: Why?

Ibinalik ko ang tingin ko kay Raxel. Nanginginig ang kamao nito. Na ano man oras ay mananapak na ito.

Pero sino? Si Damon?

Magkakilala ba sila?

Tumingin ako sa gawi ni Damon tapos kay Raxel uli. Nang kay Damon naman ako tumingin ay wala na ito.

Teka? Asaan na siya? Ang bilis naman ata niya mawala.

"Raxel.." bulong ko.

Nang hindi niya ako nilingon ay hinawakan ko ang nanginginig niya na kamay. Tumingin naman siya sa gawi ko.

"Kilala mo ba 'yung lalake na nakaupo sa kabilang mesa kanina?"

Nagigting naman ang panga niya. Tumayo siya at akmang hahatakin ang kamay ko pero pinigilan ki siya.

"Wala pa yung order natin Raxel."

Natigilan naman siya at bumalik sa pagkakaupo. Napabuntong hininga pa siya habang tumatapik sa lamesa.

"Kilala mo ba yung nakamaskara kanina?"

Tumingin naman siya sa akin at nagaalanganin na sagutin ang tanong ko.

"Yes, I know him."

"Talaga kilala mo si Damon?"

Nanlaki uli ang mata niya sa sinabi ko.

"Damon?"

"Oo, si Damon 'yun."

"Paano kayo nagkakilala?" tanong naman niya.

"Ahm... friend ko siya." gusto ko na palitan ang topic. Para hindi na siya magtanong pa tungkol kay Damon.

"Saa--"

"Daan tayo ng Sky ranch mamaya pagkatapos dito." nakangiting sabi ko. Ayoko na malaman niya na nanligaw sa akin yung Damon na 'yun.

"Mamaya?"

"Oo, kung kaya lang naman."

"Sure." sakto naman na dumating ang pagkain namin.

Tama nga ang mga nasusulat sa blog na masarap dito. Kaso ginto ang presyo. Nagkuwentuhan pa kami ng kung ano ano ni Raxel. Hindi ko na nga halos namalayan ang oras, kung hindi pa nagtext si Kim.

'Mukang enjoy na enjoy kayo ah!' text niya sa akin.

"Raxel, siguro next time na lang tayo mag skyranch. My seminar pa tayo bukas kailangan din natin magpahinga."

"No problem."

Sumakay na kami sa sasakyan niya at bumalik sa hotel.

"Thanks Fau." sabi Raxel pagkadating namin sa hotel.

Nagpaalam ba din ako dahil maaga pa kami bukas. Pero itong si Kim gusto pang magpakuwento. Wala naman masyadong ganap pwera na lang doon sa pagpapakita ni Damon.

"Ay! Boring... wala man lang kiss after ng date?" nakangusong sabi ni Kim, habang nakahiga sa kama niya.

"Kiss? Wala no!"

"Ano ka ba naman Fau, may gusto sa'yo si Raxel! Magyayaya ba 'yun lumabas kung wala lang? Tsk! Naman oh!"

"Wow! Affected lang? Wala siyang sinasabi kaya ayokong mag assume."

"If ever okay lang sa'yo? Type pa naman ni Naomi si Raxel pero don't worry ako bahala sa bruha." nakangising sabi ni Kim.

Okay nga lang ba sa akin kung manliligaw si Raxel? Kunsabagay wala naman akong nakikitang masama. Pero masyado pang maaga para sabihin na gusto niya ako at manliligaw siya.

"Ewan ko sa'yo mauna na ako matulog maaga pa tayo bukas." nagtalukbong na ako ng kumot at hinayaan na tumawa ng tumawa si Kim.

Gusto ko ng matulog pero namamahay ako. Kaya umupo ako sa gilid ng kama, sakto naman nag ring cellphone ko.

"Hello." tanong ko na hindi man lang nabasa sa screen kung sino ang tumawag.

"Still awake?" sagot sa kabilang linya. Inilayo ko ang phone sa tenga ko at tinignan ko sino iyon.

Damon?

"Damon? Bakit ka tumawag?"

"I actually just want to drop a call, kaso sinagot mo. It's already eleven pm."

"Bakit ka naman napatawag?"

"Labas ka."

"Ha?" nakakapagtaka at pinapalabas niya ako.

"Labas ka sa kuwarto mo."

Ako naman si tanga ay sumunod at lumabas sa kwarto habang nasa tenga ko ang cellphone.

Nakatayo doon si Damon sa labas nakapamulsa ang isa niyang kamay habang hawak ang cellphone. Asual nakamask pa rin siya.Pinatay ko ang cellphone at lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo ng ganitong oras? Nakacheck in ka din sa hotel na 'to?"

Bigla ako hinatak ni Damon palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.

"Wait..." pilit ako lumalayo pero mas hinihigpitan niya ang pagkakayakap.

"Don't you miss me?" tanong niya.

"Ikaw 'yung sa restaurant kanina di ba? Ano ginagawa mo doon?"

Hind siya sumagot at tinitigan lang ako.

"Kilala mo si Raxel?"

"Wala naman yung tao dito bakit ba natin siya pinaguusapan?" sagot naman niya.

"Eh, ano nga ginagawa mo dito?" binitawan na niya ako kaya lumayo ako sa kanya ng kaunti.

"Na-miss kita eh,"

"Akala ko ba nagkalinawagan na tayo." pairap kong sabi.

"Eh, bakit sa lalakeng kasama mo kanina sa restaurant sumasama ka? Nanliligaw siya sa'yo?"

"Pake mo. Teka? Naka check-in ka dito?"

"Secret."

"Hanggang dito ba naman nakamaskara ka pa rin?"

Hinawakan naman niya ako sa pulsuhan at hinatak muli palapit sa kanya.

"Fau. Promise me 'wag kang lalapit sa akin pag kasama mo si Raxel."madiin na pagkakasabi niya.

Napataas ako ng kilay.

" Naririnig mo ba sinasabi mo? Huwag kitang lalapitan pag kasama si Raxel? So magkakilala nga kayo? Huwag kang magalala hindi naman ako lalapit talaga sa'yo."

"Good."

"Bitawan mo nga ako! Ang higpit mo kaya humawak. Ano may sasabihin ka pa?"

"Mag iingat ka palagi." Malungkot na sabi niya.

Nagtataka na talaga ako sa kinikilos niya at sinasabi. Alam ko naman na hindi ko masyadong kilala si Damon, pero parang nay kakaiba sa kanya.

"Liligawan pa rin kita." sabi pa niya.

"Baliw. Gusto mo hindi kita lapitan pag nakita kita tapos liligawan mo ako? Naaaning ka na ba?"

Unti unti naman ngumiti ang kanyang mga mata.

"Gusto mo pa rin ligawan kita 'di ba?" nangaasar na sabi niya.

Inirapan ko siya at akmang babalik na sa kwarto ko pero pinigilan niya ako.

"Good night Fau. Na-miss kita."

"Umalis ka na Damon. Magpapahinga pa ako maaga pa seminar namin bukas."

Lumapit sya sa akin at hinalikan ang noo ko. Kahit nakamaskara siya ramdam ko ang labi niya sa balat ko.

"Goodnight, sleep well... see you tomorrow."

"Ha?" anong see you tomorrow.

Napataas din siya ng kilay.

"See you tommorow?" tanong ko ulit.

Ngumiti lang siya at tinalikuran na ako. Pa-mysterious talaga ang isang ito. Hindi na lang kasi alisin ang maskara. Alam ko naman na gwapo siya pag tinangal niya iyon hay... Damon.. Bakit ba kasi ginugulo mo ako.

To be continued...

Unmasking DamonWhere stories live. Discover now