Chapter Twenty One- Talk

384 15 1
                                    

Chapter Twenty One- Talk

I miss you mo mukha mo.

"Ano na? Nakatulala ka na?"

Kanina ko pa siya hinihintay o magkuwento pero nakatitig lang siya sa akin.

"Na-miss naman talaga kita." Bulong pa niya pero rinig ko naman.

Inirapan ko siya akala ba niya madadala ako sa drama niya.

“My father kidnap me and force me to work with him”

Natigilan ako bigla at napatingin sa kanya.

“I tried to escape but I fail. The last straw that he had is my mom. He threaten to kill my mom if I try to escape again.”

Malungkot siyang tumingin sa akin.

“I'm sorry Fau… hindi ako nakabalik.”

Wala ako masagot sa mga sinabi niya. Nakaramdam ako ng guilt dahil nagagalit ako sa kanya. Iyon pala may dahilan naman siya kung bakit hindi siya nakabalik.

Ilang minuto na katahimikan ang pumagitna sa amin dalawa nakayuko lang ang ulo niya at ako naman ay tahimik na nakaupo at nakatingin sa kaniya.

Nagtratrabaho si Damon kay Theo Betchel, siya ang in-charge sa system na ginagamit sa kumpanya nito.

Half brother naman niya si Rozo, at bilang kabayaran sa pag papaaral ng ama nito sa kaniya at pagpapagamot sa ina nito na may sakit kailangan niya bayaran sa pamamagitan ng pag espiya sa mga kalaban nito sa negosyo. He left with no choice, wala siyang malaking pera na para bayaran ang ama niya at kahit ayaw nang nanay niya ay wala naman siyang ibang pagpipilian. Sino nga ba ang nasa katinuan na pati ang anak sisingilin?

Damon is a computer genius. Kaya pinakinabangan siya ng ama. At dahil doon nakilala niya si Theo na nag-offer na tutulungan siya magbayad sa ama nito. Pero gusto ni Damon pag hirapan iyun para wala ng maisumbat ang kaniyang ama.While his relationship with his half brother Rozo is a love-hate.

Gusto ng putulin ni Damon ang ugnayan sa ama nito. But he signed a non-disclosure contract na dapat niyang tapusin sa limang taon. Isang taon na lang at matatapos na din ang kontratang 'yun at pupuwede ng mamuhay si Damon ng tahimik.

Ang tagal na niya nakikipaglaban para sa kalayaan nilang mag-ina.

Gusto ko magalit sa nalaman ko pero naaawa din ako sa kalagayan niya. Bukod pa na wala naman talaga kaming pormal na relasyon ni Damon pero ito siya ngayon bumabalik sa akin.

Hindi ko siya magawang tignan sa hindi ko alam na dahilan. Bakit ang hirap?

"Gusto ko muna magpahinga." Naisatinig ko matapos ang mahabang katahimikan na namamayani sa amin.

Hindi ko nakita  ang reaksyon niya.

"Sige. Magpahinga ka na. Bukas ng umaga ihahatid na kita tulad ng pangako ko." Tanging nasagot niya. Tumango lang ako bago dumiretso sa kuwarto.

Napasandal ako sa kama.

Ayan na siya Fau. Bumalik na siya ano na ngayon ang gagawin mo?

Wala naman siya ginawa ah? Hindi nga lang siya nakapagpaalam ng maayos sa akin. Pero may dahilan naman siya. Hangang sa dalawin na ako ng antok ay madami pa rin tanong sa isip ko.

Kinaumagahan ay maaga akonh nag ayos ng sarili. Nagulat pa ako ng paglabas ko ng pinto ay andoon si Damon na akmang kakatok.

“Bumili na ako ng agahan.” nakangiting sabi niya.

Tahimik lang ako tumango at naglakad papunta sa dining area kung saan nakalagay ang mga pagkain na binili ni Damon. Walang imik kami na kumain dalawa, tuwing titingin ako sa kanya ay nakatungo lang siya sa pagkain. Hanggang sa matapos na kami kumain wala pa rin ni isa sa amin ang nagsalita. Nagkusa na ako linisin ang pinagkainan namin siya naman ay bumalik sa kwarto kaya umupo ako sa sofa at nagbukas ng t.v.

Unmasking DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon