Chapter Seventeen: Stay like this

498 24 1
                                    

Chapter Seventeen: Stay like this



"Aray ko Fau!" inihinto ni Raxel ang sasakyan sa may gilid. Pinagpapalo ko kasi siya.

Hinawakan niya ang dalawa ko braso. Ang higpit.

"Bwisit ka! Saan mo ako dadalhin?!"

"Tsk!" palatak niya, gamit ang isang kamay ay hawak na niya ang pulsuhan ko at isa naman ay may dinudukot sa compartment niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang hand cuff 'yon.

"Hoy!" wala na ako nagawa ng mabilis niyang na-ilock sa pulsuhan ko ang hand cuff. Akmang iaangat ko ang binti ko ng pigilan niya ito at tinalian. Hindi ko man lang napansin kung saan niya nakuha ang panali.

"Anak naman ng pusa! Raxel!" nagpupumiglas ako pero wala naman pakealam si Raxel. Hindi niya ako pinansin at nagsimula ng magmaneho.

"Bwisit ka! Lintik ka talaga pag nakawala ako dito! Wala kang respeto! Mas matanda ako sa'yo."

Hindi naman niya ako pinansin at nagbingi bingihan ang bwisit. Nakaisip naman ako ng paraan baka madala siya.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya, hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Bakit Raxel... bakit ka ganito... hindi ka ba naaawa sa akin." pinilit ko maging mas malungkot ang boses ko.

Binagalan niya ang pagmaneho at malungkot na tumingin sa akin.

"Please... pakawalan mo na ako..." medyo nilakasan ko ang paghikbi ko. Tumingin siya sa akin at itinuon muli sa daan ang kaniyang paningin.

Grabe! Hindi man lang siya nadala sa drama ko?!

"Stop acting Fau,"

Aba! Narinig pa ata yung sinabi ko.

"Kakalbuhin kita! Makikita mo talaga pag nakawala ako dito!"

"Okay." Walang gana naman na sagot niya.

Lalo lang niya pinabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan hanggang sa huminto ito sa isang malaking gate na kulay gray. Bumusina siya ng tatlong beses bago ito kusang bumukas.

Pagkatapos namin makapasok sa loob  ay tinangal niya muna ang pagkakatali sa paa ko tsaka marahan niya ako inihatak palabas hindi na ako nagpumiglas pa at nagpaagos na lang. Inilinga ko ang paningin sa paligid, parang walang tao dahil sa tahimik.

"Mag isa ka lang dito? Bahay mo ba 'to?" Lakas loob kong tanong sa kaniya.

"Oo, bahay ko ito" walang lingon sagot niya. Huminto kami sa isang pinto at binuksan niya ito, bumungad sa akin ang  isang malawak na kwarto dinala niya ako sa kama at tinangal ang hand cuffed s sa kamay ko.

"Aba! Tinangal mo."

"Dyan ka lang kukuha lang ako ng makakain natin."

"Sa tingin mo makikita mo pa ako dito pagbalik pagkatapos mo tangalin yung pagkakatali sa kamay ko?"

Ngumisi naman siya.

"Subukan mo lang Fau, gutom ako ngayon hindi mo alam ang kayang gawin ng taong gutom." Pagkatapos ay isinara niya ang pinto.

Ano daw?

Ilang minuto pa ag pinalipas ko bago ako tumayo at sundan siya palabas. Hindi rin naman nakalock ang pinto pwede ko talaga siyang takasan.

Hindi naman ganoon kahirap makita yung main entrance ng bahay papunta na ako doon ng mapatingin ako sa kusina hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Andoon si Raxel nakataligod sa gawi ko at nakaharap naman siya sa lutuan.

Hindi ko alam kung anong hangin ang bumulong sa akin para lapitan siya. Nakatalikod pa rin siya sa akin habang naghihiwa ng pangsahog.

"Akin na." Sabay kuha ko ng kutsilyo sa kaniya. Halata naman ang pagkagulat sa mukha niya pero pinabayaan niya lang ako at tinignan habang naghahanda ng caserola.

"Yung sinabi mo kanina--" nabigla ako ng yakapin niya ako sa likuran ko. Hindi agad ako nakakilos.

"Alam mo matagal ko ng gustong gawin sa'yo ito uli."bulong niya na nagpatayo ng balahibo sa batok ko.

"S-saglit lumayo ka nga kung makadikit ka kala mo boyfriend kita."

"Magiging boyfriend pa lang." Sabi naman niya sabay higpit ng yakap sa akin.

"Talaga? Pagkatapos mo magsinungaling sa akin."

"Then give me another chance." Ipinatong niya baba nya sa balikat ko.

"Another chance your face ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga itatawag ko sa'yo kung Raxel ba o Damon."

"You can call me  yours."

"Utot mo!" Umalis ako sa pagkakayakap niya at pinagpatuloy ang pagtadtad ng bawang.

"Galit ka lang. Hindi mo nga ako iniwan pwede ka naman umalis na pero hindi mo ginawa."

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Excuse me, kaya kita tinutulungan dito dahil nagugutom na ako. Aalis din ako."

"Exactly! Gutom ka lang pag natikman mo ang luto ko pati ako gugustuhin mo na rin tikman."

"Wow! Confident."

Nagluto si Raxel ng Adobong manok at Menudo. Tama nga siya masarap siyang magluto, kumain muna ako ng madami tsaka ko naLang muna iisipinyung galit ko dahil hindi na makapaghintay ang tyan.

Matapos namin kumain ay nagpahinga muna ako.

"Dessert?" Biglang tanong ni Raxel.

"Sige."

Lumapit naman siya sa akin ng nakangisi. Nagtataka man ay tinignan ko lang siya hangang sa mahinto siya sa harap ko at naghubad ng t-shirt niya.

"Hoy!" Sa gulat ko ay napatayo ako tumakbo palayo sa kaniya.

Tumawa naman siya.

"Sabi mo dessert eto oh." Iminuwestra niya ang katawan niya.

"Gago! Siraulo ka talaga eh!"

Nagmamadali siyang tumakbo sa pwesto ko kaya napatakbo din ako. Kaso ang bilis niya nahawakan niya ako sa braso ko.

"Gotcha!"

"Peste! Raxel naman!"

Humigpit ang paghawak niya sa akin sabay iniharap niya ako sa kaniya.

"Uuwi na ako." Naiilang ako sa lapit ng mukha namin.

"Huwag ka na magalit sa akin Fau." Lumamlam ang mata niya.

"Bakit? Akala mo porque napakain mo ako mapapatawad na kita?"

"Hindi alam ko malaki ang kasalanan ko. Pero maniwala ka wala akong balak maglihim ng matagal sa'yo. Ikaw lang kasi gusto mo lumayo ako sa'yo 'di ba nga nililigawan nga kita."

Bigla naman akong may naalala.

"Sandali ano ba dapat ang itawag ko sa'yo? Hindi na kita kilala." Mas lalo naman niya inilapit ang mukha niya sa akin.

"Raxel Damon ang buo kong pangalan." Pabulong na sabi niya sabay dampi ng labi niya sa akin. Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla.

Si Raxel hinalikan ako!

Hindi ito ang una dahil hinalikan na niya ako dati noong lagi pa siyang nakamaskara.

Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

Bigla niya akong hinapit at lalong idiniin ang paghalik sa akin. Bigla siya tumigil at tinitigan ako at sana hindi ko na lang sinalubong ang tingin na iyon. Hindi ko makapagsalita siya naman ay nakatitig lang sa akin.

"T-teka lumayo ka nga." Tinutulak ko siya pero dahil malakas ito hindi ko naman siya mabuwag.

"Just give me another chance Fau, this time no mask but I can't tell you about my other job."

"B-bakit?"

"Basta makinig ka muna sa akin, it's for your own good." Sabay dampi ulit na labi niya sa akin.

"Nakakadami ka na ha!"

Natawa naman siya sabay yakap sa akin.

"I want to stay like this. Promise, hindi ka na malulungkot pa muli Fau, andito na ako." Bigla akong nalungkot sa sinabi niya kaya napayakap na lamang ako ng mahigpit sa kaniya.

To be continued...

Unmasking DamonWhere stories live. Discover now