Chapter Two: Take it off

852 43 2
                                    

Chapter Two

Take it off

"Say it again."

Natulos ako sa kinatatayuan ko. Anong klaseng tingin yan. Shiz! Panindigan mo ito Fau!

"I said. How can I kiss you if you have that mask. Can you take it off for me?" nakangising sabi ko, pero nanlalambot na ang tuhod ko sa klase ng tingin nya.

Bigla nya ako hinatak at naglakad ng mabilis.

"Ano ba?!" grabe! bakit nagmamadali sya? Lumingon ako sa likod para hanapin si Bea at Yuna. Asan na ang dalawa? Akala ko ba nakastand by lang sila if ever may masamang mangyari sa akin.

Napagtanto ko na tinatahak namin ang daan papuntang carpark ng mall.

Huminto ito sa isang itim na kotse. Binuksan nya ang passenger seat at ipinasok ako. Mabilis syang kumilos papuntang driver seat.

Wow, may sasakyan sya.

Agad nyang binuhay ang makina.

"Saan mo ako dadalhin?"

Lumapit sya sa akin na ikinatigil ko. Ikinabit nya ang seat belt sa akin. Ang bango ng sasakyan nya.

Agad kaming umalis sa car park ang bilis nyang magpatakbo.

"Wait! Saan mo ako dadalhin?! This is kidnapping!" tumawa lang sya at hindi ako pinansin. Ang cute naman nyang tumawa. Ang sarap pakinggan sa tenga.

Ilang sandali pa ay tumigil ang kotse nya sa isang building. Sinilip ko iyon at isa iyong hotel. Pinagbuksan na nya ako ng pinto ng sasakyan at mabilis na hinatak nya ako papasok ng hotel.

Nakakapagtaka na hindi man lang sya dumaan sa information lobby ng hotel. Dumiretso kami agad sa elevator.

"Damon!" hindi man lang nya ako pinansin.

Ano ba ang iniisip nya?

Nang makalabas kami ng elevator ay agad syang naglakad papunta sa isang pinto. Inilabas nya ang isang keycard at itinapat ito doon.

Oh! My! Sana mali ang iniisip ko.

Nakatayo lang ako ng makapasok kami sa loob ng kwarto. Sya naman ay namaywang at huminga ng malalim.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Pumalakpak syang bigla at dumilin ang paligid.

"Damon!"

"I'm here." nakaramdam ako ng kamay sa baywang ko.

"Uuwi na ako!" sigaw ko. Pagpupumiglas ko ng may maramdaman ako na dumampi sa labi ko.

Putspa! Hinalikan nya ako!

Hindi ako makagalaw, pilit nya ibinubuka ang labi ko. Ang bango ng hininga nya. Bakit kailangan nya pang mag mask kung ganito lang din naman pala kabango ang hininga nya. Hindi sya amoy panis na laway.

Nabalik ako sa huwisyo at pilit ako humiwalay sa pagkakahawak nya pero bigla nya akong tinulak at napahiga ako sa malambot na bagay alam ko na kama iyon.

"This is sexual harrasment!" hawak nya ang kamay ko at nakadagan sya sa akin.

Tumatawa lang sya ng walang pakealam. Madilim ang paligid at hindi ko man lang maaninag ang itsura nya.

"Panget ka siguro?! Ha! Ano? Bitawan mo ako!"

"Relax baby, bakit ka ba nagpupumiglas. I just granted your wish. You want kiss? So I give you a kiss."

"Bwisi--" hinalikan na naman nya ako sa pangalawang pagkakataon.

"Maniac!" pumaibabaw sya sa akin sabay yakap sa akin at inamoy amoy ang buhok ko.

Unmasking DamonWhere stories live. Discover now