Chapter Nineteen: Rozo

411 17 2
                                    

Chapter Nineteen: Rozo

Tinulak ko siyang palayo.

"Bakit mo ginawa 'yon!"

"Grabe... diring diri lang sa noo naman kita hinalikan ah." Nangaasar na sabi ni Rozo.

"Baliw! Alis!" Tinulak ko siya pero ayaw talagang gumalaw ng siraulong ito.

"Matagal mawawala si Raxel."

Natigilan ako.

"Anong alam mo? Bakit saan pupunta si Raxel?" Alam ko na mawawala siya. Nagpaalam siya pero hindi niya sinabi kung saan.

"Don't worry babantayan kita." Kumindat pa siya at binalewala ang tanong ko.

Hinatak niya ako paakyat ng boarding house aakalain mo na dito rin siya nakatira. Pati ang kwarto ko ay alam niya dahil doon siya tumigil at iminuwestra ang palad niya sa harap.

"Keys?"

Nangunot ang noo ko sa kinikilos niya.

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Akin na ang susi." Ulit pa niya.

Kinuha ko naman iyon sa bulsa ko at iniabot sa kaniya. Mabilis lang niya binuksan iyon at pumasok agad sa loob. Pagkapasok namin ay agad niya iyo ini-locked. Kinabahan ako bigla.

"Bakit andito ka rin?! Umalis ka na!"

"Babantayan nga kita. Don't worry tabi tayo sa kama mo mukang kasya naman tayo." Tumingin pa siya sa kama ko.

"Gago ka ba! Wala ako sa mood para sa mga trip mo lumabas ka sa kwarto ko!" Tinulak ko siya palabas ng pinto pero tumatawa lang siya dahil hindi ko siya matinag.

"Easy Fau. Ang highblood mo, ganyan na ba talaga pag may edad na? Sign of aging?" Nakangising sabi pa niya.

Hinanap ko naman ang cellphone ko at ng makita ko ito ay agad kong idinial ang number ni Raxel. Wala pang tatlong ring ay sinagot na niya agad.

"Fau?"

"Damon.." tumingin ako kay Rozo na nakahalukipkip lang. "Yung Rozo andito sa boarding house"

"What?"

"Si Rozo. Yung kahawig mo ah basta! Andito siya ginugulo ako."

Biglang natahimik si Damon sa kabilang linya. Nakangisi naman si Rozo sa akin.

"Give your phone to him. Kakausapin ko siya." Inabot ko naman kay Rozo ang phone na agad naman niya kinuha.

"Hello lover boy!" Bungad pa niya.

"Yeah, I will take care of her. Don't worry. Pasalubong ko ha!" Kumindat pa ang siraulo sa akin sabay balik ng cellphone.

"Damon."

"Trust him Fau, but don't let him near you. Pipilitin ko makabalik agad. I need to go bye." Namatay agad ang kabilang linya. Talagang importante ang pupuntahan niya dahil nagmamadali siya.

Napatingin naman ako kay Rozo na nakangisi sa akin.

"Hindi ko alam kung anong drama niyo ni Damon. Pero makakaalis ka na." Nilagpasan ko siya at binuksan ang pintuan.

Sakto naman na bumungad si Yuna sa pintuan. Nagpapalit palit ang tingin niya sa akin at sa lalaking katabi ko na ngayon ay natahimik

"Sino siya Fau?" Tanong ni Yuna.

"Kaibigan ni Damon."

"Ha? Bakit dalawa lang kayo dyan at naka lock pa?" Tinignan ako ni Yuna na may malisya.

Unmasking DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon