Chapter Six: Graveyard Shift

677 38 7
                                    

Chapter Six:

Graveyard Shift

Tinotoo nga ni bakla yung sinabi nya. Umarteng syang possesive na bf. Inakbayan pa nya ako.

"Hoy! Bakla dumistansya ka nga sa akin. Peste ka!"

"Ang ingay mo girl. May iko-confirm nga lang ako."

Hinatid nya ako hanggang sa lobby. Sakto naman na andoon si Raxel at nakaupo sa receiving area. Parang may hinihintay.

"Sakto girl!" bulong ni Lucas.

"Ahm... see you later baby." biglang lumalim ang boses ni Lucas at hinalikan ako sa noo. Hinintay ko sya na lumabas sa exit bago ako dumiretso sa elevator.

"Fau!" napalingon ako sa likod ko. Si Naomi pala ang tumatawag sa akin at kasama nya si Raxel. So, hinihintay sya ni Raxel?

"Bakit?"

"Boyfriend mo 'yun?" tanong nya biglang bumukas ang elevator at sumakay kaming tatlo. Hindi ko sya sinagot. Chismosa talaga kahit kailan.

"Si Lucas Argozi. Print-ad model sya di ba? Paano kayo nagkakilala?"

Yes, she's right Lucas is a Print-ad model.

"Ha?" kunwari ay hindi ko sya narinig. Tahimik naman si Raxel sa gilid nya. Mabuti na lang at nasa department na kami.

"Tsk! Fau naman eh! Pwede ba ako sumelfie sa boyfriend mo o kahit autograph lang." pangungulit ni Naomi.

"Naku, hindi mahilig sa selfie 'yun." pilit ako umiiwas kay Fau. Buti naman at huminto na rin sya.

Feeling close na naman si Naomi porket gwapo yung friend ko.

"Ikaw wala kang kinukuwento sa akin." matamlay na sabi ni Kim.

"Chika ko na lang sa'yo sa lunch."

"Talaga? Pero 'di nga? boyfriend mo si Lucas? Alam mo ba crush ko'yun."

Lahat naman ata crush si Lucas eh, sayang nga at hindi kami talo.

"Mamaya kukuwento ko sa'yo." Inilibot ko naman ang paningin ko sa kwarto at napansin ko na apat lang kami.

"Asan yung iba?" tanong ko kay Kim.

"Hindi ka nagbasa sa skype group natin?" umiling naman ako.

"Nasa training si Brandon at Sean sa Laguna."

Biglang pumasok ang team leader namin na si sir Louie.

"Guys, mabilisang meeting lang dahil nasabi ko na rin naman ito last night sa skype group natin. Kulang tayo ngayon lalo na sa graveyard shift. Brandon and Sean is in Laguna while the other six is in Singapore today for the training kayo na ang isusunod ko by next week," tuloy tuloy na sabi ni sir Louie. Hindi pa nagsisink-in ang iba pa nyang sinabi.

Dahil sa nangyari kahapon hindi ko man lang nagawang buksan yung skype group namin.

"Raxel, Fau. Kayo ang duty sa graveyard tomorrow. Kim, Naomi kayo sa AM. Next week kayo na ang iisechedule ko sa training."

What?! Raxel and I in an same shift?

"Ay! Sir kami na lang po ni Raxel ang partner sa gy?" suggestion pa ni Naomi.

"I'm sorry Naomi, it's already posted. Maybe next time. For now let's focus on this project--" marami pang sinabi si sir Louie pero halos wala na akong maintindihan.

"Uy... ka-duty na si Raxel bukas." pang aasar naman ni Kim. Inirapan ko lang sya at nakinig kay sir Louie.

Pero hindi nga? Kung sya ang ka-duty ko bukas ng gabi, kamusta naman 'yon? Eh, hindi nga nya ako kinakausap eh, mukang mapapanisan ako ng laway bukas. I should brace myself.

Unmasking DamonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon