Kutamaya

29 3 0
                                    


Ang baluti at sandata ng Diyos.

Siyang suot sa gitna nang laban.
Upang maka alpas sa tatahaking daan.
Daan ng pananampalataya.

Daan patungo sa Kaharian ng Kaitaasan.

Sino man ang makakalaban,
Uurong sapagkat alam nila Ika'y kasangga Diyos Ama kahit ano pa man.

Mahirap malaman ang katotohan na nakikita ng mata.
Sapagkat sa likod ng ating nasisilayan ay iba,
Malalim at malayo sa katotohanang dinadanas ng mundong 'di nakikita.

Dahil 'di tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa mundong ito-ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.

Kaya kumapit sa salita ng Diyos.
Bibliya lamang ang makakapagpapaliwanag sa tanong ng mundo.
Tumayo sa gitna ng unos,
Makipag laban sa tamang laban para kay Jesus.

Sa lahat ng unos o laban sa buhay,
Siguradong dahil sa pagmamahal
Niya ay magtatagumpay tayo.

Papuri at pasasalamat ay kay Yahweh lamang na ating kanlungan, sa pakikibaka, tayo'y kanyang sinanay; inihanda, upang makilaban.

Kaibigan, gamitin natin ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan natin ang mga pakana ng diyablo.

Kaya't maging handa tayo. Ibigkis sa baywang ang sinturon ng katotohanan,

Isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran;

Isuot ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan.

Lagi nating gawing panangga ang pananampalataya,
Na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo.

Isuot natin ang salakot ng kaligtasan,
At gamitin ang espada ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.

Ang lahat ng ito'y gawin natin na may panalangin at pagsamo. Manalangin tayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu.

Lagi tayong maging handa, at patuloy na manalangin sa lahat ng hinirang ng Diyos.

Ipanalangin din nating pagkalooban tayo ng wastong pananalita upang buong tapang na maipahayag ang hiwaga ng Magandang Balita.

Bilang pagwawakas, magpakatibay tayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan.

Kaya't isuot natin ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos.
Sa gayon, makalalaban tayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.


Sa ngalan ni Jesus, tayo ay mga hinirang at tapat na mga mandirigma at anak ng Diyos, Amen.

------

Sept26,2020

Sat1:20AM

Complet Armor.
Ephesians 6:11-19

To God be all the praise, glory, honor, power and strength! ❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula para sa KANYAWhere stories live. Discover now