Tara!

33 5 0
                                    

Nakakalungkot Panginoon,
Nakakaiyak na makitang halos lahat ng mga anak N'yo ay naglalaban na 'di tulad noon.

Naghinagpis kayo kaya't naluluha rin ako.
Nanalangin na makita ng lahat ang nais N'yo.

Imbes na magtulungan ay naghuhusgahan,
Inyong mga salita'y hindi na nagamit upang sabihin ang katotohanan.Nakakadurog ng puso na ito'y ginamit upang panlaban sa kaibigan at hindi sa tunay na kalaban.

Ang iba'y nagtatago at nahihiya na,
At ang Karamihan ay natatakot pa.

Kapatid asan ka na?
Kumapit tayo kay Jesus at magtulungan.
Halina't sabay nating sabihin ang katotohanan.

Alisin na ang takot at tayong nang manghakot,
Ng mga kaluluwang makakasama nating sa Kanyang kaharian.

Baka huli na kung wala tayong nagawa hanggang sa kanyang pagbalik.
Sapagkakataong Iyon ay kasalanan natin dahil sa ating pananahimik.

H'wag na natin isipin ang kahihiyan,
Sapagkat si Jesus na ang bahala sa atin anut-ano pa man.

Ngumiti tayo dahil yan ang nais Niya,
Nananaig ang awa't pag-ibig Niya kaya hindi na tayo dapat na mag-alala pa.

Mahal Niya tayong ng sapat at tapat,
Iyon lamang naman ang katotohang dapat sabihin natin sa lahat. :)

-•=*=•-
01/08/2018

To GOD be all the Glory, Honor, Wisdom, Power and Might in never ending!

Tula para sa KANYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon