Aking Kaibigan

318 18 0
                                    


Oh JESUS, Iyong liwanag ay aking nakikita, Kahit tuwing pikit ang mga mata;

Napakaganda Mong mukha ang aking nakikita.

Sa buhay na madilim at ako'y nag-iisa, liwanag Mo'y tanglaw upang tahakin ang daan na tama.

Sa tinig Mong kay lamig at kay ganda takot ko'y nawawala.

Tapang ko'y umuusbong sa Iyong matitibay na Salita.

Karamdaman ko ay lumilisan dahil sa Iyong mga sugat ako'y Iyong pinagpala.

Sa malamyos mong mga kamay at mga matang mong nakatingin,
Ikaw ang Siyang sa akin ay bahala.

Sa lahat nang inapi ay Ikaw ang sandigan.

Oh JESUS Maraming Salamat! Ikaw ay aming Kaibigan.

Pagmamahal Mong lubos ay aking ramdam pagkat ako'y iniligtas sa bingit ng Kamatayan.

Sa tuwing ang lahat ay lumilisan,
Oh JESUS Maraming Salamat;

Lubusan ang aking kaglaka pagkat ako'y 'di Mo iniwan.

Oh JESUS Maraming Salamat aking Kaibigan.

-•=*=•-

❤️✨🕊️Keen🔥Christine🕊️✨❤️

11/27/2015
JESUS Bless!

Tula para sa KANYAWhere stories live. Discover now