Namulat

121 16 0
                                    

Namulat sa Iyong salita Ama;

Nagsimula sa Pagbabasa;

Sumusulat dahil ipinagtibay mula sa Iyong mga salita.

Ama, kung ang awa at pagmamahal ng Iyong puso ay walang tigil na umaagos;

Ang tinta nang ballpen ko ay aagos rin upang maghandog ng para sa Iyong kabutihan at kadakilaan.

Magpapasalamat at pumupuri sa Iyong Katalinuhan at Kapangyarihan,

Ikaw ang nagbigay saamin ng karunungan;

Nagpapaliwanag sa mga bagay na mahirap maintindihan;

Nasa'yo ang liwanag, at Ikaw ang nakakaalam.

Ikaw ang katotohanan.

Binigyan Mo nag liwanag ang gaya kong mula sa kadiliman.

Binigyang buhay Mo ang namatay kong puso, espirito at kaluluwa.

Sa Iyo nanggaling ang aking karunungan at kalakasan.

Kaya karapat-dapat na Kayo'y purihin at pasalamatan magpakailanman.

Pabago-bago man ng panahon at setwasyon;

Ikaw ay 'di nagbabago kailanman.

Nagpapagaling ng aming karamdaman;

Ibinibigay Ninyo ang aming kahilingan.

Kaya karangalan sa'kin na Kayo'y purihin at pasalamatan bilang aking Ama at Haring Panginoon.

Dahil ako'y namulat sa Iyong salita Ama;

Nagmumula sa pagbabasa;

Sumulat dahil ipinagtibay na nagmumula sa Iyong mga salita.

At susulat nang susulat upang magbahagi sa iba at maging matibay ang bawat-isa.

❤️✨🕊️Keen🔥Christine🕊️✨❤️

12/01/2015

To God be all the glory, all honor, all praises, all might, all power, and all richness.

God Bless!


Inspired ito sa Bible :) . At sariling experience, ang totoo masakit na halos di ko na maigalaw left hand ko, dahil parang may naipit na ugat sa wrist ko. Kailangan kong malinis at maglaba kanina habang tulog ang baby ko. Kaya nag-pray muna ako at natulog. Pagkagising ko naigalaw ko na pero may kunting kirot parin.. Ngunit nakapaglaba ako kahit papano. Natapos ko rin ang labahin ko ngayong araw.. :) share ko lang kasi ilang beses ng Ginawa ni God sa akin ito kahit may sakit ako.. Ang galing ni God! Super the best! Share ko lang na mabait talaga si God at walang imposible sa Kanya. Kaya marapat talaga na purihin Siya at pasalamatan. :)

JESUS bless!

Tula para sa KANYAWhere stories live. Discover now