Apoy

19 2 0
                                    

Nagsimula ang storya ng buhay
Na kadiliman ang binagyang pugay.
Malamig man at nanginginig,
Maligayang tingnan na nasa maling daigdig.

Naging marupok at mapangahas,
Nasa yungib ng kasakiman na kahit gusto man ay hindi makatakas.
Na para sisidlang may napakalaking butas,
Namimilipit ang puso sa pighating hindi mahulas.

Makasariling nilalang at mapagmataas,
Namimilit umangat ngunit ibinababa ng nasa Itaas.
Nais man malaman ang kadahilanan,
Malamang 'yon ay hindi pagkilala sa Kaitaastaasan.

Nilimot na Siyang nagbibigay ng lahat,
Mga lakas man, talino, talento o kagandahan.
Na ang pananatili sa lupang kasalukuyang inaapakan,
Marapat sa Kanya'y pasalamatan.

Ngunit sa isang matinding unos lahat ay bumaliktad,
Luha'y di mapigil dahil sa sakit na walang katulad.
Ang mapangahas ay naging mahinahon,
At ang mapagmataas ay naging mapagkumbaba at dinala ng alon,
Na siyang ring ipinagbago ng damdamin upang maiahon.

Lumapit at kinilala si Jesus na Siyang makakapagligtas,
Siyang katotohanang makapagbabago ng puso at kaluluwa.
Siyang daan paalis ng kadiliman,
At tahakin ang tamang daan.
Lalo na't nagbibigay liwanag sa sinuman ang naniniwala.

Naintindihan na tunay Niyang pag-ibig ang dahilan ng lahat.
Pag-ibig na walang katapusang ibibabahagi sa lahat,
Pag-ibig na nagsimula sa maliit na baga.
Na lumiyab dahil sa Kanyang pagpapala.

Wala 'di kayang pagliyabin o hindi kayang bigyang liwanag sa pag-ibig Niyang ito.

Siyang dapat na manatili sa bawat katauhan,
Higit na sa Kanyang tagasunod na matatapang.
Ito'y panatilihin at ibahagi sa mga nanganagilangan,
Dalhin kahit saan man upang handa sa pag sunog sa mga 'di nakikitang kalaban.

Marapat na ang pagdiringas ay hindi mawala,
Upang mabigyang liyab ang kasamang nanghihina.
Walang karapatan ang sino mang patayin ito,
Dahil dapat lahat ay nagtutulungan at hindi nagtatalo.

Minamarkahan ka at ako sa pamamagitan ng Kanyang dugo.
Dugo Ni Cristo na naglinis sa lahat upang kasamaan ay matalo.
Dugong Niyang nagliliyab,
Mga dingas nitong 'di tumitigil ang pag-aalab.

Dahil dugo Niya ay nananalaytay sa totoong naniniwala,
Pag-asa ay siyang binibigay Niya kahit Ika'y nagmula sa kailaliman ng kadiliman pa.


Iilan lamang ito sa Kanyang panata.
Walang kadilamang makapagpipigil sa liwanag na dala nito,
Kahit kamatayan ay 'di napigil ito.

Dalhin mo,

Dadalhin ko,

Dalahin nating lahat at panghawakan lalo,

Ingatan bilang Kanyang tunay na mga sugo.

Tayong mga anak Niyang hindi matatalo.

--------
April/17/2019
Wed/11:04/PM

🔥🌷To God be the glory, honor, power and might in Jesus name, forever and ever!🔥

💕Happy Holy Week! 🙏🏻🔥

Tula para sa KANYAWhere stories live. Discover now