Nalalapit Na!

61 10 2
                                    

Ang iyong kaarawan ay nalalapit na!

At buong mundo'y maseselibra dahil sa saya.

Pagkakaisa na naman ay mananaig,

Pagbibigyan na puno nang pag-ibig.




Bawat taon ng iyong kapanganakan,

Bawat tao nawa'y magpupuri sa iyo na puno nang kagalakan.

Kalimutan ang matatanggap na regalo,

Kun 'di isipin ang binigay mong pangako.




Aming kaligtasan ay dumating na!

Ang kamatayan ay mahihinto na.

Pagmamahal ay ihahandog,

Pagkakaisa ang dapat ihubog.




Makikinang na parol ay 'wag isipin,

Bagkus ang liwanag mo Hesus ang aming bigyang pansin.

Magagandang damit at surpresa ay 'wag masyadong damdamin,

Bagkus ang biyayang pagsilang sa 'yo ang dapat ipagpasalamat din.




Lasapin ang masasarap na handaan,

'Wag kalimutan ang magpasalamat sa nagpapala sa tsibugan.

Waksiin ang mga alalahanin, at pasiyahin ang buong katauhan,

Lalo na ikaw Hesus, aming kamahalan. :)



-•=*=•-
11-27-2016

Tula para sa KANYAWhere stories live. Discover now