Biyaya

235 5 0
                                    

Kay gandang pagmasdan ng umaga,
Pagkat batid kong sinasabi Mo Diyos ko
Ito ang bagong simula.
Kailanman hindi ka nagbigay nang eksaktong tuldok,
Pero ramdam kong malapit na ang Iyong pagbaba mula sa tuktok.

Bagong umaga para sa bagong buhay,
Kaya nais mo itong aming gamitin upang magbago.
Kaya sa Iyong pababalik kami'y maging handa.
Bigay Mong ito sa amin ay biyaya.

Marapat kang purihin Diyos Ama,
Pagkat ang kadakilaan mo't pagmamahal at di matutumbasan ng iba.
Maraming nasagip nang ika'y bumaba.
Para magkatawang tao sa katuhan ni Hesus Kristo.

Ako'y napakalaking makasalanan,
Pero ang Iyong pagmamahal ay mas hihigit kahit na sa ano pa man.
Panginoon, dahil do'n walang makapaghihiwalay sa'tin.
Alin man ang titingnan o ramdamin Ikaw at Ikaw lamang ay sapat na sa akin.

Ika'y dapat purihin sa Iyong walang humpay na lakas at kapangyarihan,
Higit sa lahat ang Iyong awa at pag-ibig na walang hanggan.
Ika'y ubod nang talino dahil nilikha mo kaming halos katulad mo.
Hindi man kami perpekto subali't inalagaan mo kami nang labis na mga anak mo.

Salamat sa biyayang bigay Mo Diyos ko,
Sa kapangyarihan at awturodad na binahagi mo sa ngalan ni Jesus Kristo.
Sa pagtatanggol sa amin kahit na kami'y
Makasalan,
Subali't Sa'yong banal na dugo o Jesus nailigtas ang buong katauhan.


Fresh na fresh! :) Merry Christmas and  Happy New Year!
12-24-2017


To God be all the glory, honor, power, strength, beauty, might, wisdom, knowledge, understanding and all praises in never ending! ❤

Tula para sa KANYAWhere stories live. Discover now