Araw

65 14 0
                                    


Sa pagsikat nitong tanglaw,
Tila IYONG ganda ang natatanaw.

Napapalibutan ng sobrang liwanag,
Tulad ng IYONG mukhang silaw ang maaaninag.

Nagbibigay liwanag sa sanlibutan,
Gayon KA rin sa sangkatauhan.

Hugis ay bilog,
Nagpapaalala sa mundong IYONG hinubog.

Malayo at mainit,
Tagos hanggang anit.

IKIW ay gayon; akala'y nasa ibang dayo,

Subalit ang pag-ibig ay abot sa kibuturan ng bawat kaluluwa't puso.

KAYO'y nasa paligid lamang mararamdaman,
Maaring kausapin kahit saan.

Nakaluhod o hindi, Patago, payuko, paharap, sa kanan o kaliwa,

Mas maigi rin kung nakapikit o nakatingala.

Higit sa lahat masarap isiping kayo'y nasa loob ng aking puso.

Maayos na makikita ang buong paligid dahil sa liwanang Niyong dala,

Kaya sa taas nakatunganga na puno nang paghanga.


Kung tuwing ito'y nasisilayan,
Masasabi pa ring kay palad.

Sapagkat nakakangiti ng malapad,
Kahit ang nais ay 'di lahat natupad.

Mabuhay at ito'y makita,
Masasabi pa ring may pag-asa.

Kaya tahan na kaibigan,
Ulan, bagyo, unos ay panandalian,

Hanggat kanyang liwanag ay nasisilayan,

Marami pang pangarap ang maaring makakamtan.

Dahil nasa atin si Jesus na siyang ating kanlungan.

-•=*=•-
02/10/2016
11:35

Tula para sa KANYAWhere stories live. Discover now