Kalayaan at Halinhin

31 5 0
                                    

Panginoon,
Ako'y lubos na nagagalaak,
Dahil sa puso mong busilak.
Dama ko ngayon ang kaginhawaan,
Akin itong walang tigil na pasasalamatan.

Pag-ibig niyo'y parang tubig,
Umaagos nang walang tigil sa buong daigdig.
Pagkat kapangyarihan N'yo'y pinakita't pinadama,
Umaalis ang masasamang alakdan, ahas at leon na aking nakikita.

Dahil sa pangako N'yong lahat ng nilalang ay luluhod sa Iyong makapangyarihang Pangalan,
Kahit multo, kapre pa man o tikbalang.
Kaya dito man sa lupa'y walang sino kalabang mananaig.
Kahit si Satanas ay manginginig.

O Jesus, Walang pagsidlang papuri
At pasasalamat!
Itinataas namin ang Iyong Pangalan!

Sapagkat ang naniniwala at anak N'yo'y Inyong sinasamahan,
Saan man makarating at ano man ang gagawin.
Pangako N'yo kami ay hindi dapat matakot,
Pagkat kasama naming Kayo'ng saami'y nabibigay lakas na hindi mangilabot.

Kaluwalhatian ay sa Inyo Lamang Ama!
Karapat-dapat lamang Diyos na aming Bathala.
Maraming Salamat at kami'y 'di na nag-iisa,
Marami sa amin ay nabigyan nang pag-asa.

Wala ng tao o kaluluwang magugutom, dahil Kayo ang buhay na pagkain.

Wala nang mangangapa sa kamangmangan, dahil sa karunungan at kaalama'y Inyo nang binibigay.

Wala nang magtatago sa takot at kahinaan, sapagkat andito na ang lakas at kapayarihan N'yong nagtatanggal ng hilakbot.

Walang nang Iyak sa pag-aalala ng nakaraan at kasalukuyan, pagkat Kayo ang mag-akda at magtatakda.

Wala nang dapat isiping 'di marapat o dapat sa katapusan o hinaharap,
Pagkat Kayo ang Una at Huli.

Wala nang 'di matutulog sa takot ng kapahamakaan, dahil Ikaw ang kaligtasan.

Wala nang mamumuhay sa pagtatago at kadiliman, pagkat Kayo ang liwanag at Katotohanan.

Walang ng dapat na kailangan pagkat kayo'y sapat na bilang Kayamanan.

Kagaanan ng loob ay Inyo Ibinigay,
Kapangyarihan ng Inyong Espirito Santo'y aming naging kaagapay.
Kaya kaibigan manalig at manalig nang mahigpit,

Kalayaan at kagalingan ay makakamit,
Binaba na ni Jesus at Binuksan ang langit,
Kailangan lamang itong lapitan at tanggapin ng malupet.

-=. + .=-
Tue/04/17/2018/11:26

To GOD Be all the Glory, Honor, Wisdom, Power and Might, Praises and blessings in never Ending!

Tula para sa KANYAWhere stories live. Discover now