Ang Kristyano

75 14 0
                                    

Hindi pinagsisigawan na namumuhay nang malinis,
Bagkus binubulong na siya'y napariwara subalit pinatawad at naibalik sa tamang landas.

Hindi nagsasalita nang may pagmamataas,
Kun'di inaaming kinailangan si Hesus sa Kanyang buhay bilang tagapagligtas.

Hindi nagsasabing siya'y matapang at 'di kailangan ng sino man,
Bagaman nagpapahayag na mahina at nangangailangan ng Kanyang Lakas upang ang hirap ay makayanan.

Hindi pinagmamayabang ang nakamit na tagumpay,
Kung 'di inaaming nagkakamali at sa tulong ng Diyos ito'y naisaayos muli.

Hindi pinangangalandakang perpektong tao,
Dahil ang bahid ay nakikita ng kahit sino,
Pero naniniwalang ang Panginoon ay handa siyang patawarin, tanggapin at mahalin.

Ang Kristyano'y nasasaktan din at nagdurusa,
Kaya nananawagan sa Ngalan ni Hesus.

Hindi iniisip na banal higit kanino man,
Kun 'di inaaming isang hamak na makasalanan, na tinanggap ang biyaya ng Maykapal sa pamamagitan ni Hesus, na nagbibigay sa puso nang kapayapaan.

-•=*=•-

Tula para sa KANYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon