Magiting na Mangingibig

48 4 0
                                    

Hindi alam hanggang kelan,
Hantungan ba'y dito na lang?
Nais makaalis sa buhay na kinasasadlakan,
Noon pa ma'y nagtitiis lamang.

Limang taon ay masyadong maikli nga ba?
Tinanong sa ilang nakaranas na.
Sabi nila 'pag mahal mo magtitiis ka,
Subalit paano kung ikaw lamang nagmamahal, sapat nga ba talaga?


Nakakatakot sapagkat wala nang lakas,
Nahihindik kasi mapaglaro ang bukas.
Walang may alam ano ang hahantungan,
Wasto man ang iyong tinahak ngayong daanan.

Bawat tao sa mundo'y mahirap magtiwala,
Bilang na lamang sa daliri ang katulad nila.
Bumubulusok ang kapalaran,
Bigla na lamang aangat nang 'di namamalayan.

At nakakaubos at nakakaupos na 'di maisip nang lubusan,
Ang pag-ibig ay hindi ko akalaing parang bulaklak na nalalanta,
At Parang tubig na natutuyot na.

Sapagkat ang init nito'y nawawala,
Sa pagdaan ng panahon ito'y sing lamig na nang iniwang kawayan.
Simoy ng malamig na hangin,
Nagsasabing gayon din ang damdamin.

Subalit yaon ay pag-ibig lang ng pandaigdig,
Panandalian kahit mukhang siksik at liglig.
Susog ng damdamin ay mapangahas Karamihan ay likas na sa pusong humaharas.
Puro subok at kadalasa'y takot dahil sa buong pagkatao'y nakakabutas.

Ngunit ang Pag-ibig na mula sa Hari ng Langit ay malawak, mahiwaga, di masukat ang taas,
Masigasig na Mang-iibig, mahabagi't Makapangyarihang Bathala ng langit.
Ni walang makakaalpas sa Kanyang Mapangyarihang Pag-ibig na tunay,
Marapa't purihin at laging bigyang pugay.

Siya ang Amang nasa Langit,
Naglikha ng lahat ng nakikita at di natin makita.
Sa Kanyang Makapangyarihang Espirito Santo,
Bumaba upang maging anak at maging taong ipapako sa cross para sa kasalanang 'di Niya gawa.
Jesus ang pangalan na ating tagapagligtas.

Sa bawat palu sa Kanya na bumabakat at naging sugat,
Kapalit ng paghilom ng sakit at gawa ng ating kasalanan.
Sa bawat buhos ng dugo at tubig sa mula sa Kanyang katawan,
Ay huhugasan ang kasalanan ng sangakatauhan.

Sa kapangyarihan ng Kanyang kamatayan,
Sa naniniwalay,
Lahat ng kasamaay mamatay, inilibing at magkakaroon ng bagong buhay.
Hallelujah!

Hanggat may nagkakasala,
Patuloy ang Kanyang pakikipaglaban sa kamatayan,
Papuri sa nag-iisang Hari!
Si Jesus, Siya'y laging nagwawagi!
Hallelujah!

Naging Espirito Santo upang magbigay kapangyarihan,
Sa mga naniniwala't sumusunod sa Kanya.
Na kahit wala na Siya sa pangkatauhang pangagatawan,
Siya'y di nang-iiwan, andito pa rin at handa tayong gabayan.

Itinawag Niya tayong anak simula nang mamatay tayo at mabuhay,
Dahil sa kamatayan Niya't pagkabuhay,
Iisang nakakamanghang dahilan ay dahil sa dugo Niya'y sa atin na rin nanalaytay. Hallelujah!

Protektado tayo sa dugong nasa atin,
Buhay tayo dahil Kanyang pagmamahal,
At hanggang nandito pa tayo sa mundo,
Patuloy ang Kanyang pagsasakripisyo,

Oh kay buti, ito ang tunay na pag-ibig na handa Niyang ibigay sa lahat,
Magkakaiba man ang ating kulay at lahi,
Init ay 'di nagbabago, buhos pa rin kahit ano man ang mangyari.

Ito ang tunay na pag-ibig na siksik at lilig,
Bigat, sakit ay naaalis,
Napapalitan ay lakas at tamis.
Pag-ibig na di mawari't masukat at tunay,
Init nito'y di nagbabago, sapat, tapat at 'di babakat.
Hallelujah!

BANAL.
Banal sa Banal,
Banal na Diyos Ama,
Dahil sa Banal na pagmamahal,
Nanging Banal na Anak at purong tao,
Sapamamagitan ng Banal na Espirito,
Banal na pagsasakripisyo,
Banal na kamatayan,
Upang ang mahal Niyang sangkatauhan ay makuha ang Kanyang kabanalan.
At lahat ay magiging karapatdapat sa Banal Niyang Kaharian.
Hallelujah!

Kaya walang humpay, walang tigil na para sa Tunay na Diyos na Buhay,
Siyang Magiting na Mangingibig na tunay,
Ang papuri at pasasalamat Sayo lang iaalay.
Hallelujah!

-•=.+.=•-
Tue/06/12/2018/8:33

ALL the Glory, Honor, Power, Wisdom, Knowledge, Might, Beauty, Blessings and All PrAises are Your oh God forever and ever!

Tula para sa KANYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon