Ipinangako

155 17 0
                                    

Panginoon, mapalad ang Sino mang nakilala, kinilala Kayo at tinanggap ng buong puso.

Sapagkat hindi man ganoon kaganda at kay saya ang buhay sa araw-araw,

May kalungkutan, sakit, pighati at pagkukulang;

Andito Kayo upang mahalin ako.

Andito Kayo upang pawiin ang sakit at lungkot.

Andito Kayo upang punan ang sa buhay ng nanalig sa Inyo.

Andito Kayo upang ilayo sa kapahamakan at iligtas sa kamatayan ang taong tulad kong makasalanan.

Andito Kayo bilang Kaibagan at sandigan.

Andito Kayo sa kabila nitong mundong walang kasiguraduhan at mapaglarong kapalaran.

Andito Kayo upang aming takbuhan,

Ang sarap isipin...

Na ang sino mang tumawag, tumanggap at mahalin Kayo ng walang pag-aalinlangan,

Ibibigkas ng buong pananalig ang Banal Mong Pangalan,

Na sa Ngalan ni Hesus,

Ang sino mang naniniwala ay hindi na mag-iisa tulad ng Iyong ipinangako.

-•=*=•-
--------

❤️✨🕊️Keen🔥Christine🕊️✨❤️

11/28/2015

To God be all the glory, all honor, all praises, all might, all power, and all richness.

Jesus Bless!

Tula para sa KANYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon