Chapter 29: Truth or Consequence

22.4K 317 33
                                    

After 30 minutes, isa-isa silang pumasok sa room. Salubong ang kilay ko habang pinagmamasdan silang tatlo na tila galing sa kasiyahan dahil sa mga ngiti nila.

“Hey Babe, ayos ka lang?” Arianna said while she’s getting closer to me.

“Off course,” I said while I’m looking at the window.

Naupo sa couch sina Dante at Edward at tila itinuloy ang naudlot nilang pag-uusap.

“Yeah Bro bakit di ka naki-join sa ‘min?” Edward said.

“I’m not in the mood,” I said directly.

Arianna embraced me and gently kissed me to my lips. “Babe, wala ka bang naalala today?”

“Is there anything special today?”

“Off course, it’s our 21st monthsary remember?” she smiled.

“Ohhhh. I’m sorry Babe. That’s disgusting!” Napakahawak ako sa noo to gesture that I felt bad.

“That’s fine. Alam kong marami kang iniisip kaya nakalimutan mo. Don’t worry, I told your friends Dante and Edward na we will celebrate our monthsary tonight with them.

“Huh?” I confusingly utter.

“Dito sa room,kahit konting salo-salo then inuman. We will celebrate our 21st monthsary and also my new found friendship with Dante and Edward,” she smiled.

Magkasalubong pa rin ang kilay ko sa sinabi ni Arianna pero um-Oo na lamang ako sa balak nya mamaya.

“Yeah sure! That’s a great idea!”

“Nag usap-usap na kaming tatlo. Aalis kami ni Edward para um-order ng Food and bumili na rin ng alak. You and Dante will prepare here. Magluluto daw si Dante ng specialty nya.”

“Okay,” matipid kong sabi.

“Babe, masaya ka ba sa monthsary natin?” she worriedly said.

“Off course, masaya ako na matagal tagal na rin ang relationship natin.”

“I hope this will last forever. I’ll do everything to make that happen!” she sincerely said.

Arianna looked me into the eye with sincerity. Ang mga mata ko nuo’y puno ng pag-aalinlangan dahil na rin sa mga nangyayari. Wala pa rin akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang buong katotohanan sa aming apat.

Maya-maya’y nagpaalam na sina Arianna at Edward upang mamili. Naiwan naman kami ni Dante sa loob para magprepare ng gagamitin mamaya sa munting salo-salo.

“Ano yung sinabi sa akin ni Arianna na pupunta tayo sa El Nido for 2-day business trip?” tanong ko kay Dante habang pareho naming nililinis ang mga utensils na gagamitin.

Ngumisi sya nang maitanong ko sa kanya iyon. “Wala lang, bakit ayaw mo? Pinagpaalam na kita sa kanila.”

“Pero bakit mo ginawa yun nang hindi mo sinasabi sa ‘kin?”

“Surprise! Gusto lang kitang ma-solo. Buong buhay mo ata kilala mo na ang dalawang yun, tayo kelan pa lang? Wala akong laban sa dalawa kaya gusto kong ma-solo kita. Walang istorbo,” ngiti nyang sambit sa ‘kin.

“Alam na ni Edward na hindi business ang intention ko dito.”

“Bakit, sinabi mo?”

“Hindi! Matalino si Edward! Kilala ka rin nya gaya ng pagkakakilala ko sayo.”

“Hehe… Sinabi nya sa ‘kin yun kanina. Mukha talagang may pagka-nerdy sya without the eyeglasses.”

“Tama! Lahat gagawin nun para sa akin. Sinabi nya sa akin na mahal na mahal niya ako at ipaglalaban nya ako kahit anong mangyari,” I said worriedly.

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon