Chapter 33: Only Love Can Hurt Like This

21.7K 305 38
                                    

A/N I changed some details like the location, instead of dos palamas, i changed it to Miniloc Island para tumugma sa places from El Nido. This chapter is dedicated to all the people who read and leave comments.

____________________________________________________________

Hindi ko lubos maisip na nasabi ko kay Dante na malabong siya ang piliin ko. Nadala lang ako ng kalasingan at galit nung mga oras na ‘yun pero hindi ko talaga intensyong sabihin yun. Siguro nakaramdam na rin sya na walang patutunguhan ang pakikipag-relasyon nya sa akin kung may masasaktang iba.

Naiinis ako sa sarili ko dahil sila ang gumagawa ng paraan samantalang ako’y nagpapadala na lamang sa sitwasyon. Yung tipong nag-iisip pero wala namang maisip hanggang sa di ko namamalayan na nasasaktan ko na sila. Napakasama kong tao, hindi na ako nagmature, pero hirap na hirap talaga ako. Natatakot ako na isang araw, mawala silang lahat sa akin. Sino ba ako para sa kanila? Bakit mahal na mahal nila ako? Hindi ako yung tipo na taong seseryosohin mo habang buhay dahil patuloy akong nagkakamali pero bakit handa silang ipaglaban ako? Ano bang meron sa akin? Marahil tama si Edward na hindi ko pa nahahanap ang sarili ko kaya ganito ako mag-isip.

Sa pagkakataong ito’y nararamdaman kong unti-unti na silang sumusuko. Meron na akong kumpirmasyon kay Dante pero wala pa akong ideya kina Arianna at Edward. I tried to contact them from time to time but out of coverage pa din ang phone nila. Napapbuntong hininga na lamang ako sa sitwasyon.

45 minutes ang biyahe through boat para makarating sa Miniloc island sa lalawigan ng El Nido. Bago yu’y kelangan muna naming sumakay ng Bus for 1 hour. Nakaupo kami ni Dante sa dulo ng sasakyan, nasa tabi ako ng glass window at para akong tangang nagmumumuni at tinitingnan ang ano mang bagay na nilalagpasan ng bus.

Dante held my hand tightly. Lumingon ako sa kanya at nginitian niya ako. Mahigpit ko ring hinawakan ang malambot niyang kamay, nararamdaman ko ang init nito patungo sa aking puso. Mabilis itong tumibok na tila nakikipag unahan sa mga sasakyan. Maya-maya’y lumapit sya sa akin at binulungan ako sa tenga.

“I love you!,” bulong nyang sabi sa akin na nagpataas ng mga balahibo ko. Para siyang kuryente na dumaloy sa buong katawan papunta sa aking puso. Naramdaman ko ang salitang ‘yun na nanunuot sa aking buong katawan.

“Dante, mahal na mahal kita,” bulong ko at inangat ko ang kamay nyang mahigpit na nakahawak sa kaliwang kamay ko. Hinalikan ko ito bilang senyales ng pagmamahal ko sa kanya.

Bakit nya sinasabi ang mga katagang ‘yun kung iiwan din naman nya ako? What’s the sense? Ang definition ba ng love ay yung paaasahin ka sa wala? Yan ang tanong ko sa sarili ko pero ang tanong na to’y bumabalik sa akin. Ano bang nagawa ko kay Dante para sabihing mahal na mahal ko sya? Kaya ko ba siyang ipaglaban? Love is not an act of cowardice so I don’t deserve to be loved. What am I thinking? I don’t deserve his love! But does Dante deserve the feeling to be loved based on his past? We’re just both goddamned dysfunctional!

After an hour, nakarating kami sa place kung saan ready na ang boat to get to Miniloc Island. Medyo excited kaming dalawa dahil habang nasa bangka’y natatanaw namin ang napakagandang likha ng Diyos. It’s a jaw dropping experience to witness Mother Nature at its finest. First time ko dito at malayong maganda ito kesa sa Resort na tinutuluyan namin ngunit meron nga lang kamahalan ang lugar na ito.

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now