Chapter 31: The Rage 2

21.4K 327 23
                                    

I’m raging like a bull and a bit tipsy dahil sa ininom na tequila. Nabaling sa kanilang tatlo ang galit ko kaya’t ako’y bumaba from second floor para lumayo-layo sa kanila. Feeling ko napagtulungan nila ako at wala akong kakampi ng mga oras na ‘yun. Napunta ang atensyon nila kay Edward dahil sa ginawa kong pagsuntok sa kanya.

I ordered 3 bottles of beer at lumabas ng hotel. Umupo ako sa isang sulok malapit sa 3-step ladder sa right side ng entrance. Tumungga ako ng beer at nararamdaman kong bumubuhos ang parte nito sa aking dibdib ‘pag hindi ko ito nasasalong inumin. I wanted to clear my mind and feel sympathetic. Sa hindi maipaliwanag na paraan, gusto kong mapag-isa at ayaw kong makita ang pagmumukha ng tatlo.

First time in my life na masaktan ko ng husto ang matalik kong kaibigan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginawa ‘yun. Ganun pala ang nararamdaman ng tao pag sobrang galit, talo pa ang lasing dahil hindi makapag-isip ng tama, nadadala ng matinding emosyon na di mo alam kung saan nanggagaling. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit pinangunahan ako ni Edward. Alam naman siguro niyang magagalit ako pero bakit siya nakialam? Ano ang rason nya kung bakit nya ‘yun ginawa, o may binabalak ba siyang hindi ko pa dapat malaman?

Kung susumahin talaga, kay Edward lang ako walang commitment. Maaaring nagsabi siya ng nararamdaman nya ngunit wala pa kaming kasunduan na we will go to the next level. Alam ko rin naman ang sinabi nya sa ‘king ipaglalaban niya ako, hindi ko alam kung ito na ang simula ng sinabi nyang yun pero sa totoo lang, nabawasan na siya ng puntos dahil sa ginawa niya. Mas matimbang pa rin naman kahit papaano ang mga nagawa niya sa ‘kin.

 Hindi ko na mabilang pero ang dami na talagang problema ang pilit nyang ginagawan ng solusyon para tulungan ako. I can’t imagine life living without my bestfriend, paano na ako? Napaka dependent ko rin sa kanya sa totoo lang. Nakakagalit na nakaka-guilty lang ang ginawa ko sa kanya dahil pinagmukha nya akong walang silbi. Tama naman siya sa sinabi nyang Duwag ako, walang direksyon ang buhay ko, nakakagalit pero yun ang realidad. Heto ako nagtatago at mahilig takasan ang problema instead na solusyunan. Nari-realize ko na napakawala kong silbi. Kung tutuusin, wala akong karapatang magalit sa kaibigan ko dahil ang dapat kong sisihin ay ang sarili ko.

Habang nagmumuni muni’t tumutungga ng alak ay biglang may tumabi sa kin sa kaliwa, at ito’y si Dante. Meron din syang alak na gaya ko. Ngumiti sya sa akin pero nabaling ang tingin ko sa ibang direksyon. Badtrip din ako sa kanya sa totoo lang.

“Anong pinagmumukmok mo dyan? Tara duon tayo sa taas?” alok nya.

Hindi ko sya pinansin na parang walang tao sa tabi ko, basta lang akong tumutungga ng alak.

“May patampo-tampo ka pang nalalaman dyan! Gusto mo kiss kita para mawala ang tampo mo sa’kin,” ngiti nyang sabi  na parang nang-aakit.

“Putang ina mo Dante, wala akong panahon para sakyan ang katarantaduhan mo,” himutok ko sa kanya.

Sarkastiko na lamang siyang ngumit sa sinabi ko.”WoW! Galit na galit sa ‘kin ang Boyfriend ko?” tila asar nya sa ‘kin.

“Tang-ina Dante wag mo kong paandaran. Badtrip ako sa inyong lahat! Magsama-sama kayong mga bugok kayo,” tira ko sa kanya na tila lango na sa alak.

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon