Chapter 38: The End Part 1

20.7K 340 41
                                    

A/N

THE END is a three part Chapter. I'm getting emotional writing the remaining Chapters. Please lang sa mga silent readers..... magcomment naman kayo. Haha. Mwah. Sana ienjoy nyo ang last 3 chapters ng story ko at sana'y nakapaghandog ako ng isang magandang story. Thank you sa lahat!

____________________________________________________________

Walang buhay akong nag-impake ng aking mga gamit. Ngayon ang flight namin papuntang Maynila. Palakad lakad ako sa silid, tila walang eksaktong lugar na pinupukol ang aking mga mata at ang aking mga paa. Ako'y nababalisang nalulungkot na para bang lumulutang sa ere hindi dahil sa kasiyahan, kundi sa sakit na nararamdaman.

Ubos na ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata nang mabasa ko ang sulat. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na aking nararamdaman dahil wala na yung taong pinili ko, na nagdesisyon syang lumayo para sa ikabubuti ng lahat. Nagpakabayani siya hindi lang para sa kanyang sarili, kundi para sa aming ng lahat.

Alam ko kung saan nanggagaling si Dante, kahit masakit man sa dibdib ko, hanga ako sa katapangang ginawa niya. Wala akong hinanakit sa kanya dahil ginawa lamang nya ang nararapat. Kailangan ko lang maramdaman ang sakit ng kawalan niya, ang sakit na hindi ko maipaliwanag ngayon ko lang naramdaman. Ang pagkawala niya ang magdidikta sa akin kung saang lugar ako dapat tumungo. Hinahangad kong ang lahat ng nangyayaring ito'y may magandang dulot para sa akin at para narin samin nina Arianna at Edward.

Tok Tok Tok.....

Narinig ko na silang kumatok, ito'y hudyat na paalis na kami ng isla. Matamlay akong tumayo sa kinauupuan at walang ganang binuksan ang pintuan. Sumilip sa akin ang dalawa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko. Binigyan nila ako ng isang malungkot na ngiti ng masilayan ako, marahil ay napansin nilang namumula ang aking mga mata dulot ng pagluha. Alam kong napakalungkot ng aura ng aking mukha ngunit binigyan ko pa rin sila ng matamis na ngiti.

"Umalis na ba siya?" mahinang sambit ni Arianna patungkol kay Dante. I nodded bilang pagkumpirmang wala na siya. Nananamlay ako ngunit pinipilit ko pa ring magpakatatag para sa dalawa.

Lumapit sa akin si Arianna at niyakap ako ng buong higpit. Tinapik tapik naman ako ni Edward to give me some comfort. Hinawakan ko ang kamay nya na parang nagbubunong braso tanda na kami pa rin talaga ang magkaibigan.

Napakalungkot naming umalis ng resort, habang sumasakay ng bangka'y pinagmasdan kong muli ang kabuuan ng isla. Napakaganda at napakatahimik. Maraming ala-ala ang iniwan nito sa akin gaya ng pagkawala ni Dante. Hinding hindi ko ito makakalimutan. Ito na marahil ang pupunta puntahan ko tuwing tutungo ako dito sa Palawan.

Sinamahan ako ni Arianna for the last look sa lugar sa huling pagkakataon . Pareho kaming may dinaramdam ngunit hindi ito naging sagabal para hindi bigyan ng huling sulyap ang kagandahan ng isla. Napapangiti kaming dalawa dahil maraming iniwang masaya at malungkot na ala-ala ang islang ito.

We got through sa Airport pabyaheng Maynila. I sat on the window side of the plane. Walang gustong mag open up ng conversation sa aming tatlo. We felt like exhausted and weak dahil sa emosyonal naming pag-alis. I immediately close my eyes and covered it with my handkerchief. Hindi ko namalayang tumutulo ang luha ko sa aking mga mata. I'm getting emotional again, and that's because of Dante. Little did I know na iiwan nya ako ng walang paalam, hindi man lang namin alam ang contact number niya or anong plano nya sa buhay. I'm grieving and in pain. Sobrang sakit lang sa dibdib. I deserve the price though.

Almost an hour lang ang biyahe from Palawan to Manila. We separated ways. Edward went to his place while I'm with my Fiancee to go to our house.

"Your mother is extremely mad at me Aries. I think it's not a good idea na pumunta ako sa inyo," kabado nyang sabi sa akin. When Arianna posted our photos in Facebook, nakarating sa Mommy ko ang planong siraan ako ng nobya ko.

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now