Chapter 11: Problem by Arianna not Grande

33.4K 511 7
                                    

5:45 PM that day, nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko para lumuwas ng Maynila. Kung tutuusin halos dinaanan ko lang ang Palawan na parang pumunta lang ng tindahan sa may kapit-bahay namin. I can’t process my thoughts properly. My actions were random and the rage that I’m feeling was swallowing my entire brain. What’s on my mind was I need to kill the technician who stole my important files. I don’t have any clue why he did that but I’m confident to kill him out of my rage. Halos tapos na akong ayusin ang mga gamit ko at nakabihis na ko paalis. I wear my cap for the finishing touch nang biglang may kumatok sa pintuan ng room ko. I opened the door and saw the ever gorgeous Dante Zubiri smiling at me. He really took my breath away.

“Brad parang may lakad ka ata?” ngiting sambit nya. Di ako makapagsalita dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Naalala kong bigla na sinabihan ko siyang isa na lang ang kwarto namin para makatipid.

“Ha?” wala sa sarili kong tugon.

“Nagpaalam na ‘ko sa baba, sabi okay lang daw na isa lang ang gamitin nating kwarto. Ilalagay ko sana yung mga gamit ko kaso mukhang may lakad ka ata.”

My heart is pounding. I’m feeling the mixture of guilty pleasures and rage. An awful combination to be honest.

“Ha? W-wala,” hindi ko siguradong sagot. “Pasok ka muna dito Brad.”

Pinapasok ko si Dante sa loob at napansin niyang nakaimpake ang mga gamit ko.

“Aalis ka na? Ambilis naman?” mahina niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong angkop na salita ang sasabihin ko sa kanya. Tinanggal ko ang Cap ko at  umupo sa gilid ng malambot kong kama. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay na parang natataranta. Napansin ni Dante na may tila bumabagabag sa akin.

“Pare mukhang may Problema ka ha? Tungkol ba ‘to sa Girlfriend mo?” Sinamahan niya akong umupo sa gilid ng kama. Nag-aalala rin siya sa mga kinikilos ko.

“Parang ganun na rin Brad.”

“Kaya ba aalis ka ngayon?”

“Hindi ko alam e. Hindi ko talaga alam. Naguguluhan na ako. Pare tulungan mo naman ako,” pagsumamo ko sa kanya.

“Sige Pare, kahit anong gusto mo gagawin ko para makatulong. Bakit ano nanaman bang ginawa sayo ng GF mo?”

Nangilid muli ang luha ko at pinahid ang namumuong luha gamit ang wrist ko na parang bata. I don’t know if I will tell the truth o mag-aalibi na naman ako. Lahat ng sinasabi ko sa kanya is by chance at hindi pinag-iisipang mabuti.

“Pare gusto kong pumatay.”

Nanlaki ang mga mata ni Dante sa sinabi ko.

“Ano? Sigurado ka?”

“Oo gusto ko silang patayin!”

Tila naguluhan naman si Dante sa sinabi ko.

“Teka Pare. Sila? Yung kalaguyo ba ng Girlfriend mo ang tinutukoy mo?”

“Hindi. Ibang tao. Basta gusto kong patayin sila mga hayop sila.”

“Sandali lang Brad hinay-hinay lang! Relax! Parang wala ka sa sarili mong katinuan. Kung papatay ka.. mag-isa ka!” diin nyang sinabi.

Napatingin ako sa kanya. Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang Lap at nagsorry.

“Brad pasensya na. Di ko alam ang sinasabi ko. Sorry. Dala  lang ng matinding galit.”

“Naiintindihan kita. Habang tinitingnan kita ngayon nararamdaman ko na napakabigat ng problema mo. Sana may maitulong ako.”

“Masyadong malaki! Brad pasensya na kung di ko masabi sa ngayon.”

“Ano ka ba okay lang yun. Ikaw ang bahala. Sana lang wag kang pumatay. Sayang talaga Pare, hindi ko maeenjoy ang pag-stay ko dito kase aalis ka na.”

Napatingin ako sa napaka-amo ngunit barakong mukha ni Dante.

“Nagbago na isip ko. ‘Di muna ako aalis. Kaya nga pala ako pumunta dito para kalimutan siya."

Napangiti sya sa sinabi kong yun. Hinagod nya ang likod ko at tinapiktapik.

“Okay lang yan Pare, lahat ng tao dumadaan sa ganyan. Malalagpasan mo rin yan. Pareho lang tayo ng kalagayan kaya ako nandidito.”

Nginitian ko sya na parang matagal ko ng kaibigan. Ang galing nya grabe. Napakalma niya ako. Mukhang hulog na ako sa kanya. Sheeeet!!

Ang Crush Kong Boldstar (ManxMan/BoyxBoy) [COMPLETED]Where stories live. Discover now